^

Pang Movies

Rich, nanganak din sa Australia!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rich, nanganak din sa Australia!           

Isinilang na ng Australia-based Kapuso actress na si Rich Asuncion ang second baby nila ng mister niyang si Benjamin Mudie noong nakaraang April 29. Babae ulit ang anak nila at pinangalanan nila ito na Alessandra.

Sa Instagram, nag-post si Mommy Rich ng larawan ni Baby Alessandra kasama si Daddy Benjamin.

“Introducing Alessandra. Born very strong and healthy. Bela finally has a fulltime playmate and our Mud Squad is complete,” caption pa ni Rich.

Bago nanganak si Rich, excited na ito sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Naghahanap na raw kasi ang panganay nilang si Bela ng kapatid kaya tinupad nila ang wish nito.

Perfect timing daw ang paglabas ni Baby Alessandra dahil kakalipat lang ng pamilya ni Rich sa bagong bahay nila sa Australia.

Apat na taon nang kasal sina Rich at Benjamin at nakalipat sila sa Australia bago pa magkaroon ng pandemic. Hindi naman ikinakahiya ni Rich na marami siyang pinasukan na trabaho roon, isa na ay ang maging isang waitress sa isang restaurant.

Nagawa ring mapagsabay ni Rich ang pag-aaral niya habang siya ay nagtatrabaho at inaasikaso ang kanyang pamilya.

Mariz, matagal namahinga!

Matagal na hindi gumawa ng teleserye si Mariz Ricketts at comeback niya sa pag-arte ang bagong GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Langit.

Dahil sa naging lock-in taping, first time raw mahiwalay si Mariz sa mister niyang si Ronnie Ricketts.

“Alam ko naman ang setup ng bagong mundo ng taping, lock-in siya ng ilang weeks dahil pandemic pa rin tayo, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na ‘yun. This is the first time kasi na nagkahiwalay kami nang matagal. For 28 years, hindi kami naghihiwalay and ito ‘yung challenge sa amin. Pero surprisingly, nag-enjoy ako. Nakakita ako ng second family sa grupo na ‘to,” sey ni Mariz na huling napanood sa teleserye na Aso Ni San Roque noong 2012 pa.

Hindi na rin masyadong inaalala ni Mariz ang dalawang anak nila ni Ronnie dahil parehong nagtatrabaho na ang mga ito. Kaya panahon na raw na balikan niya ulit ang showbiz dahil may blessing naman ito mula sa kanyang pamilya.

“There were offers before pero hindi talaga nagma-materialize. Hindi nagpo-progress. Ito lang ‘yung project na parang talagang may pinagdaanan and this came to me at the most perfect time. I was ready, my family was ready, Ronnie is ready. Our kids have their own thing now kaya maybe it’s time na nga to revive my career and it was all worth the wait.”

Ikinatuwa naman ni Mariz na gaganap siya na best friend ni Maricel Laxa sa teleserye. In real life, best friends sila simula pa noong panahon na naging host sila ng GMA Supershow.

“I will be working with one of my best friends na si Maricel. Magkapitbahay pa kami niyan kaya ‘yung connection namin as friends, never na naputol all these years.”   

vuukle comment

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with