^

Pang Movies

Kris ‘di pa nakakaalis!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Nasa bansa pa diumano si Kris Aquino. ‘Di pa ito nakakalipad pa-Amerika.

Nasa condo pa raw ang mag-iina (sa Makati), Joshua and Bimby, kasama ang buong staff nito na nagmo-monitor sa kayang kalagayan.

Pero mas healthy looking daw si Kris ngayon, nadagdagan ng konti ang timbang kesa nang mag-public appearance siya sa Leni-Kiko rally sa Tarlac.

Wish ng ibang mga kaibigan niya na gumaling si Kris at tuluyang makabawi ang katawan.

Nauna nang binanggit ni Kris na kailangan pa rin niyang magpa-second opinion sa Amerika kahit mahuhusay ang mga doctor niya rito.

Tumanggap na siya ng new treatment - Xolair injection - na sinabi niyang nakaya ng katawan niya.

“Cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar if fine (meaning no diabetes), and so far, liver function is okay considering all my maintenance  medicines,” bahagi ng update niya sa kanyang social media accounts last March.

Auto immune disease  - urticaria - ang kailangang gamutin kay Kris ayon pa sa kanyang naunang post.

Andrea, pinanginig ang kalamnan ng kalalakihan

Pati si Ian Veneracion ay hindi napigilang mapa-react sa kaseksihan ni Andrea Torres nang mag-post siya habang nasa beach.

“Finally back in the beach!!!,” caption ni Andrea sa series of photos niya na naka-orange one piece bikini at may hawak na fresh buko.

“Naku po!!! Uy teka lang…ano nangyayari? Bakit parang kinakabahan ako, at pinagpapawisan na hindi ko maintindihan?!

“Wala naman gulatan na ganyan!,” comment ng actor na ngayon ay ang ATeam na ni Ogie Alcasid ang nagma-manage.

Sumagot naman si Andrea ng “@ianveneracion1 Wahahahaha. I miss you Boss Pogi! See you as soon as I get back! Kita mo yan, ‘as soon as’ ha!”

Ginagawa nila ang local version ng Korean drama na A Love to Kill.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with