^

Pang Movies

Sharon, inaming sa commercial yumaman   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, inaming sa commercial yumaman              

Sa isang rally ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan at ka-tandem nitong si Vice President Leni Robredo, ibinida ni Sharon Cuneta kung gaano kamahal ang talent fee niya bilang endorser.

“Naalala n’yo po ba nun’g araw, ako po ang Reyna ng lahat ng commercials? Sa commercials po ako yumaman talaga,” kwento ni Sharon sa Leni-Kiko rally sa Batangas last Saturday.

“Ikukuwento ko lang po sa inyo. Longest-reigning po akong no. 1 endorser. Hanggang sa araw na ito sa pagkakaalam ko, ako ang may pinakamaraming endorsements,” patuloy niya.

Ibinunyag niyang mahal daw ang TF niya as endorser at katumbas daw ng 3 to 10 movies ang presyo niya sa isang commercial.

“Mahal po ako noong araw pag kinukuha ako. Ang isang commercial ko, ang bayad sa akin, pwedeng parang sweldo ko sa tatlong pelikula. Mayroon pa nga akong isang kontrata, 10 pelikula ang sweldo ko, 6 na araw lang ang trabaho ko sa loob ng 2 taon,” she revealed.

Pero napakarami rin daw niyang endorsements na tinanggihan.

“Napakarami ko pa pong commercials - doble nu’n ng lahat ng nagawa ko o higit pa – ang hindi ko tinanggap dahil sa prinsipyo dahil hindi ako naniniwala sa produkto nila. Gaano man kalaki ang ibabayad nila sa akin, hindi ko tinatanggap. Dahil may prinsipyo ako, ayokong mapahiya sa inyo,” she said.

Sa politika, never pa raw niyang in-endorse ang asawa niyang si Kiko kundi ngayon lang.

“Pwede n’yo po ba akong payagan na endorsohin ang aking asawa dahil hindi ko pa ginagawa,” aniya.

Ayon kay Shawie, masasabing beterano na rin siya sa politika dahil dito rin siya sa mundong ito lumaki since nakagisnan na nga niyang Mayor ng Pasay ang kanyang amang si yumaong Pablo Cuneta. At nagtuloy-tuloy pa dahil politiko nga rin ang kanyang mister na si Kiko. At dahil dito ay kilala raw niya ang track record ng mga politiko.

At dahil din dito, kilalang-kilala raw niya si VP Leni at siyempre lalo na ang kanyang mister. Kaya naman buong-buo raw ang suporta niya sa tandem ng dalawa.

Paul kinumpisal ang status nila ni Mikee

Finally ay umamin na si Paul Salas na “dating” sila ng kapwa-Kapuso star na si Mikee Quintos. Inamin niya ito sa  episode ng Mars Pa More few days ago.

Isa sa mga itinanong sa aktor sa segment na Pasabog Na Chika ay kung mayroon daw “something” sa kanila ni Mikee.

“Meron,” ang sagot ni Paul.

Nang mahingan ng paliwanag si Paul tungkol dito, sey niya, “Meron. Ano kami... ‘di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ‘yan sa Mars (Pa More).”

Actually, ilang buwan na ring natsitsismis sina Paul at Mikee na nagkakamabutihan nga. Nabalita ngang magkasama sila sa isang bakasyon last December.

Nagkasama ang dalawa sa The Lost Recipe last year at dito nga umano nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with