^

Pang Movies

Glaiza, lumipad na pa-England kasama ang asawa   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Glaiza, lumipad na pa-England kasama ang asawa                

Bago ang world premiere ng romcom series na False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim, umalis na si Glaiza with husband David Rainey for London and Ireland.  Nag-iwan lamang siya ng Instagram caption na: “ano ba talaga ang mas mahirap; maging lalake o babae? Paano kung magkabaligtad ang sitwasyon? Magkaroon kaya tayo ng mas malawak na pang-unawa sa isa’t isa? Samahan nyo po kaming mabaliw sa katatawa kapag pinanood na ninyo ito!” aniya sa kanilang series na mapapanood  every night, 8:50 PM, after  First Lady sa GMA-7. 

Directed by Irene Villamor, tatagal lamang ito ng four weeks.

Before Glaiza left , natanong sila ni Sanya Lopez sa Chika Minute, kung sino ang gusto nilang gumanap ng mga role nila sa epic series nilang Encantadia; si Glaiza as Pirena at si Sanya as Danaya, para sa  Sang’gre?

“Siguro dahil morena ako, bagay sa role ko si Bianca Umali, pwede rin si Althea Ablan,” sabi ni Sanya.

“Bet ko rin si Bianca, sa kahit anong role sa aming apat,” sagot ni Glaiza. “I think pwede ring makasama sina Jillian Ward at Sofia Pablo.”

Inihahanda na ngayon ang Sang’gre dahil matatapos na ang taping ng Voltes V Legacy.

Rayver may pa-piano kay Julie Anne

Usap-usapan na ngayon kung ano na ba ang real score between Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.

Tahimik pa raw ang dalawa at ayaw pang sumagot, pero ang mga action nila, speaks louder than words, sabi nga.  Like after matapos ang lock-in taping ni Rayver ng Bolera  with Kylie Padilla, si Julie agad ang binisita niya, lalo pa at katatapos lamang mag-celebrate nito ng birthday sa All-Out Sundays na wala nga si Rayver.

At agad daw ipina-deliver ni Rayver ang isang piano na napakamahal daw ang presyo.  At si Julie, pinost niya agad sa Instagram ang malaking piano. 

Alam kasi ni Rayver kung ano ang ire­regalo niya kay Julie dahil marunong mag-play ng iba’t ibang musical instruments ang Asia’s Limitless Actress.

Pero may tanong: sasama raw kaya si Rayver sa taping ni Julie Anne sa Boracay, bilang isa sa mga guests ni John Lloyd Cruz, sa Sunday sitcom nitong Happy ToGetHer, kasama si Kapuso actress Max Collins?

Alden nakakaraket kahit nasa taping

Tuluy-tuloy naman ang shooting nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales at Alden Richards ng Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up this week at magbi-break lamang sila para sa national elections sa May 9.

Walang problema ang taping nina Direk Jerry Sineneng, dahil nasa Metro Manila lamang ang locations nila. In between ng breaks sa taping nakagawa pa si Alden ng new TVC for a shopping app

After the election, lock-in taping na sila dahil sa Pampanga na ang location nila.

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with