^

Pang Movies

Sa farm gustong palakihin… Matteo at Sarah, pinakilala ang bagong baby!  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sa farm gustong palakihin� Matteo at Sarah, pinakilala ang bagong baby!           

May bagong ‘baby” ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ipinakilala ito ng aktor sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

Nag-post si Matteo ng mga larawan ng kanilang bagong-silang na kabayo na pinangalanan daw ni Sarah ng Maple.

“April 28, 2022 2100 our foal was born! Sarah named her Maple! Welcome to the world Maple!!” caption ni Matteo.

Nahihilig ngayon sa farming ang aktor at mayroon na nga silang farm ni Sarah. Sa isang panayam nga ay sinabi niyang gusto niyang sa farm niya palakihin ang kanilang magiging anak.

“The concept that I want is off-grid talaga. It might not be a monetary investment but it’s an investment for the family. When we have kids, I want them to grow in a space na that is very basic,” sey ni Matteo sa programang Farm To Table.

Dagdag pa ni Matteo, “They will learn how to touch soil, be in the mud, cross rivers, kumbaga. ‘Yun ‘yung things like these, we’re planning for the future and, hopefully, our future family.”

Jela, ‘di inakalang magiging artista

Aminado ang sexy star na si Jela Cuenca na dahil sa sunud-sunod na proyekto niya sa Viva Films, hindi niya gaanong naramdaman ang hirap ng pandemic.

“Before, bago mag-pandemic, hindi ko talaga inakala na makakapasok akong artista and wala talaga sa isip ko na mapupunta ako sa ganito,” simula ni Jela sa digital mediacon ng latest film niyang Pusoy.

Patuloy niya, “then, nag-pandemic and nakilala ko ‘yung manager ko (Jojo Veloso). Sobrang thankful ako na nakilala ko siya and of course, kay Boss Vic (Del Rosario), sa Viva. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila. Kung wala sila, wala ako sa sitwasyon ko ngayon.

“And ayun, sobrang nakakataba ng puso, speechless. Kasi hindi gano’n ako nahirapan nu’ng pandemic nun’g nakilala ko sila. Actually, hindi ko nga naramdaman na nahirapan ako.

“Kasi nga, ‘di ba, maraming tao ‘yung nahirapan nu’ng pandemic. But ako, parang napadali kasi si Boss Vic, ‘yung Viva, tinulungan talaga nila ako, binigyan agad nila ako ng project, and ayun, thank you so much.”

Marami-rami na ring nagawang pelikula si Jela for Vivamax and in fact, isa siya sa tinaguriang VMX Crush along with AJ Raval and Angeli Khang.

Sa Pusoy ay ginagampanan ni Jela ang role na asawa ng karakter ni Vince Rillon. Kasama niya rin dito si Angeli Khang, Baron Geisler and Janelle Tee mula sa direksyon ni Philip Giordano.

Mapapanood na ang Pusoy simula sa May 27 sa Vivamax.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with