^

Pang Movies

Vice, contradicting ang sinabi  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Vice, contradicting ang sinabi             

Baka nga si Vice Ganda lang ang suko na, at nagsasabing hindi na mahalaga sa kanya kung makakuha man ng franchise o hindi ang ABS-CBN, dahil kung pakikinggan ninyo ang mga anchor person nila sa Teleradyo, iba ang tono ng mga iyon. Mahalaga sa kanila ang naririnig sila on the air. Hindi sila kuntento noong napapanood lamang sila sa cable at internet. Ang laki ng audience na nawala sa kanila. Hindi na sila naririnig sa mga sasakyan dahil off the air na nga sila. Kaya nag-alisan ang anchor persons nilang sikat, dahil gusto naman siyempre ng mga iyon mapakinggan sila on the air.

Hindi lahat ng tao may internet at hindi lahat magbabayad pa ng internet para marinig lang sila, kung maaari namang magbukas na lang ng radyo at marinig nang lahat ang balita.

Tingnan na lang natin ang show mismo ni Vice Ganda. Noong on the air pa sila sa Channel 2, hindi na nga sila maka-take over sa Eat Bulaga. Ngayong nasa cable at internet na lang sila, kahit na tatlong milyon ang subscribers nila, naiwan sila ng Eat Bulaga aminin man nila iyon o hindi.

Kaya parang hindi makatotohanan iyong sinasabi niyang hindi na interesado ang ABS-CBN sa panibagong franchise. At tila nakalimutan na niya na sa isang video niya ay nasabi niyang “doon kami sa magbibigay ng prangkisa sa amin.”

Kim, nakikialam sa ibang isyu

Nakakatikim ng sobrang pamba-bash ngayon si Kim Chiu, kasi naman hindi na lang niya ikinampanya ang kandidato niya, nakikialam pa siya sa iba. Hindi namin maintindihan iyang negative campaigning gimmick. Bakit kailangang siraan mo ang kalaban mo at hindi mo na lang ilahad ang magagawa mo? Ang hindi inisip ni Kim, papaano kung manalo ang kinalaban mo? Saan ka dadamputin?

Tingnan ninyo ang mga sikat talaga, kahit na sina Vilma Santos at Nora Aunor. May kanya-kanyang kandidatong ineendorso iyan pero wala kang marinig na sinisiraan nila ang kalaban nila.

Sa kaso ni Nora nadala siya. Nag-endorso siya ng kandidato noon, siniraan niya iyong kalaban. Noong siya ma-trouble natulungan ba siya?

Ang masasabi lang namin, para huwag kang ma-bash, pag-aralan ang lahat ng sinasabi. Walang magagalit sa iyo kung magsasalita ka nang mabuti.

Aktres, lubog na naman sa utang

Balik na naman pala sa dating gawi ang female star na sinasabing “5-6 queen.” Marami na naman daw maniningil ang nagpupunta sa kanyang bahay, at kagaya ng dati, kung maniningil ay hindi niya pinagbubuksan ng pinto.

Kung mga kaibigan naman sinasabi niyang huwag nang kakatok at tawagan na lang muna siya para mapagbuksan ng pintuan.

Nasaan na kaya ang syota niyang tomboy na sinasabing noong una ay nagbayad ng lahat ng utang niya? Nagsawa na ba sa kababayad?

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with