^

Pang Movies

Sen. Ping, ayaw ng masyadong artista sa rally!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sen. Ping, ayaw ng masyadong artista sa rally!

Tila hindi pabor si presidentiable Panfilo Lacson sa presence ng mga entertainer sa political rally.

Eh ang narinig naming rason kung tama ang dinig namin sa interview niya, hindi naman daw entertainment ang kada rally kundi para ilatag ang plataporma nila sa mga tao.

Sa presidential aspirants, maraming artista ang present sa rally ni VP Leni Robredo habang kay Bongbong Marcos eh, ilan lang gaya ni Unbothered Quen Toni Gonzaga.

Sa panig ni Lacson, may Tito Sotto siya na suportado naman ng Eat Bulaga Dabarkads.

Eh sa sitwasyon ngayon, may mga artistang bayad at merong hindi bayad sa entablado ng mga kandidato.

Apektado rin sila ng pandemic so kung humanap sila ng pagkakakitaan ngayon eleksiyon, masisisiba ba natin sila?

Boring naman kung puro politiko ang nakikita ng mga tao na nagsasalita sa stage, di ba? Gusto rin naman ng mga tao ng entertainment, huh!

Kyline, tinalagang honorary ambassor for K ng DOT

Bongga naman si Kyline Alcantara! Siya ang itinalagang Honorary Ambassador for Korea ng Department of Tourism, huh!

“I’m beyond grateful and my heart is full. Kamsahamninda,” saad ni Kyline sa picture niya sa Instagram.

Naku, dapat mag-aral na ng Korean si Kyline, huh!

Magpakailanman, fresh ang episode             

Fresh episode muli ang tampok ng Magpakailanman ngayong gabi.

Bida si Liezel Lopez sa episode na Ampon Man sa Iyong Paningin, The Jane Magbanua Story.

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with