^

Pang Movies

Ate Vi, hindi takot tumapat sa bold movies  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, hindi takot tumapat sa bold movies           

Bold ang uso ngayon, at sa napanood naming mga pelikula lately na inilalabas sa internet, aba eh walang laban ang mga ST na nauso noon.

Siguro masasabing panlaban nga ‘yan sa mga pelikulang “pene” kung tawagin noong late eighties o “bomba” noong early seventies.

Kung ganito ang sitwasyon ngayon, papaano haharapin ng Star For All Seasons na si Vilma Santos kung magka-comeback siya sa pelikula?

Sinasabi nga nila, si Nora Aunor na kalaban niya noon ay hindi pa nakagawa ng hit simula noong mag-comeback.

Ganundin si Sharon Cuneta na simula nang mag-comeback puro mahihina ang pelikula.

Ano ang plano niyang gawin? Tanong namin kay Ate Vi.

“Ako kasi naniniwala ako na kung makapagbibigay tayo sa mga tao ng pelikulang gusto nilang mapanood talaga, pupunta sa mga sinehan ang mga iyan. Ang nakikita ko nga lang problema sa ngayon wala pa kasing gumagawa ng totoong pelikula talaga. Iyong mga major producer wala pa rin, kasi hinihintay nila iyong ‘normal’ situation. Pero palagay ko naman ito na iyong normal situation natin for the next few years,” pahayag ni Ate Vi sa akin.

“Hindi ako takot doon sa bold movies. Actually hindi ko napapanood, pero marami na akong narinig na kuwento mula sa mga nakakapanood, at saka iyong mga pirated clip nila makikita mo sa internet.

“Pero kung natatandaan ninyo, iyong mga bomba film na ginawa noong late sixties at early seventies, mas matindi pa riyan. Noon kasi nagpapakita na sila ng actual sex. Kagaya rin noong panahon ng ‘pene films.’

“Pero noong panahon ng bomba, tinatalo namin ni Nora ang mga ganoong  pelikula. Doon sila sa maliliit na sinehan, iyong mga first run sa amin iyon at kumikita kami. Kaya nga si Atty. Espiridion Laxa (producer) panay ang gawa ng pelikula ko noon, kahit na ano. Kasi sinasabi niya sa akin, ‘Vi iyan lang ang panlaban natin sa bomba,’” pagbabalik tanaw pa ni Ate Vi.

Dagdag niya pa : “Noong panahon ng pene, iyon iyong nakaka-apat na pelikula ako sa isang taon. Palitan ang Viva at Regal sa paggawa ng pelikula ko. Wala  akong pahinga halos. Hit naman lahat. Kasi nga may captive audience naman kami, iyong fans, at ako ipinagmamalaki kong kahit na 23 years ako sa politics, nariyan pa rin ang mga loyal Vilmanians ko.”

So alam na ‘yan.

Mark Anthony, nakuha ang husay ng ama

Naniniwala kaming maaari pa ngang maging bida sa pelikula si Mark Anthony Fernandez. Noong panoorin namin ang pelikula niyang Kaliwaan, napansin namin na iba pa rin ang dating sa audience ng mga eksena niya. Pinag-uusapan ang mga sexy scene niya samantalang mas matindi iyong sa iba.

Iba kasi ang naging simula ni Mark. Hanggang ngayon star pa rin talaga ang kanyang dating. Siguro kung may mamumuhunan lang nang tama at ipa-package siya bilang isang action star, siya ang makakapalit talaga sa amang si Rudy Fernandez, after all wala na tayong bata-batang action star.

Sa ngayon mukhang takot sumugal ang mga producer sa totoong pelikula.

Newcomer actor, kumikita sa kalaswaan

Ang pinalalabas ng isang newcomer, siya raw ay isang model, endorser at ngayon ay gumagawa na rin ng gay indies, pero ang totoo iba ang kanyang hanapbuhay talaga. Isa siyang “rent boy.”

Minsan nga nadulas pa siya sa kanyang internet post at nasabi niyang “sino ang naghahanap ng date mamaya”.

Pero kung minsan, may masamang ugali daw ang newcomer.

Marami siyang ginagawang drama para mas mahuthutan pa niya ang kanyang ka-date, at dahil kumakalat na iyan, mukhang marami na ang umiiwas sa kanya, after all sinasabi naman nila, “it’s not worth it”.

Bakit nga ba nagpapasukan ang mga ganyang klaseng newcomer sa showbusiness? Kaya nasisira ang image pati ng mga tunay na artista dahil sa mga ganyang tao.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with