^

Pang Movies

Maricel, nagugulat sa pagbabago sa showbiz  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Maricel, nagugulat sa pagbabago sa showbiz             

Inamin ni Maricel Laxa-Pangilinan na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng comeback sa showbiz.

Isa si Maricel sa bida ng bagong GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy sa Langit bilang isang widowed jewelry designer na si Gemma.

Kuwento ni Maricel, ang kanyang mga anak ang nagsabi sa kanya na oras na para bumalik siya sa pag-arte. Ang mga anak ni Maricel ay sina Donny, Ella, Benjamin, Hannah at Solana Pangilinan.

“Sabi nila ‘Mom, you know we’re fine. You’ve given us enough time, it’s time for you to shine now.

“I didn’t think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and a season na na-e-enjoy ko talaga.

“Ngayon I’m just so happy that I have their blessing and excited silang malaman kung ano ang mga bago kong natututunan.”

Di malilimutan ang husay ni Maricel sa mga pelikulang ginawa niya noong ‘90s tulad ng Iisa Pa Lamang, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Makati Ave: Office Girls at Minsan Lamang Magmamahal.

Human version ng Barbie, nagpakita na

Nilabas na ang first look ni Margot Robbie sa live-action film na Barbie na sa July 21, 2023 pa ang showing.

Sa Twitter account ng Warner Bros., makikita ang 31-year old Australian actress bilang human version ni Malibu Barbie na sakay ng kanyang bubble gum pink convertible at suot ay blue striped halter top with matching headband and bracelet.

Pinost naman ng two-time Oscar nominee ang same photo sa kanyang Instagram na may hashtag na #BarbieTheMovie.

Si Greta Gerwig ang direktor ng Barbie at co-writer niya ang kanyang partner na si Noah Baumbach. Nag-collab na sila sa pagsulat ng pelikulang Lady Bird at The Squid and the Whale.

vuukle comment

MARICEL LAXA-PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with