^

Pang Movies

Todo-todo na agad ang makeup at pagpapa-sexy Jillian at Andrea, nagmamadaling mag-mature

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Todo-todo na agad ang makeup at pagpapa-sexy Jillian at Andrea, nagmamadaling mag-mature

Sana i-advice ng management nina Jillian Ward at Andrea Brillantes na huwag muna silang mag-full makeup. Mga ‘bata’ pa sila kung tutuusin at hindi dapat magmadaling maglagay ng makakapal na makeup.

Shocked ako sa photos ni Andrea na meron pa siyang false eyelashes, may nail arts, at makapal na makeup. Maganda para sa kanila ni Jillian na natural lang muna, wala pa silang 20 anyos kaya huwag magmadali na maging mature.

Mas nakaka awkward na makita silang ang kakapal ng kolorete sa mukha gayung ang gaganda naman nila.

Mahusay din at talented sina Andrea at Jillian.

Kaya talagang puwedeng pumalit sa mga naunang stars na sumikat at nag-mature na ngayon. Future Marian Rivera at Jodi Sta. Maria ang dating nila, kaya hindi dapat madaliin ang pag-mature nila.

Hinay-hinay lang, wait sa proper time. Darating din ang tamang panahon.

Maraming choices

Naku kung puwede lang talaga na maraming partylist ang piliing iboto, talagang gagawin ko ha. In fairness, maganda ang listahan ng partylist candidates kaya marami kang mapipili. Para ngang mas maganda pa ang choices sa partylist kesa sa Senatorial slates ‘pag tiningnan mo.

Talagang parang best choices ang mga tumakbo sa partylist na meron pang 1st nominee, 2nd at 3rd ‘di ba. Kumbaga, hindi isa lang mapipili mo, meron pang ikalawa at ikatlo. Bongga ‘di ba! Kaya siguro ang dami na ring sumaling partylist ngayon, taranta ka na sa rami nila, plus sila pa ang may commercial ngayon ha, ‘yung mga running for senators walang ads, parang cost cutting talaga.

Hay naku, malapit na, kaya pili na kayong mabuti ng iboboto noh, para hindi masayang ang pipiliin natin.

ANDREA BRILLANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with