^

Pang Movies

Kahit binawalan ni Aljur?! AJ, walang patumangga ang paghuhubad  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kahit binawalan ni Aljur?! AJ, walang patumangga ang paghuhubad            

Mali naman pala iyong sinasabing hindi na mag­huhubad ang bold star na si AJ Raval, dahil mag-aaral siyang muli dahil sa syota niyang si Aljur Abrenica. Sa pelikula niyang Kaliwaan, walang patumangga ang paghuhubad ni AJ. At hindi lang iyan, may kasunod pa raw siyang mga pelikulang maghuhubad pa rin siya.

Siguro nga nahimasmasan din, at alam na niya ngayon na hindi niya basta maiiwan ang paghuhubad para maging action star, at para wala siyang problema kay Aljur.

Basta mamahinga siya sa paghuhubad, humanda na rin siyang mag-retire. Ang mga artistang nagsimula sa bold, hindi na nakakaahon iyan, lalo na nga at matitindi ang mga ginawa nilang indie na inilalabas sa internet.

Vice, may nakalimutan sa prangkisa

“Wala na kaming inaasahang prangkisa dahil may nagma-may ari na noon,” iyan ang nakita naming ipinagsisigawan ni Vice Ganda sa isang video clip ng kanyang show na nakita namin sa social media.

Iyan ang kanyang naging sagot sa mga nagsasabing nagkakampanya siya para sa isang kandidato para makakuha sila ulit ng prangkisa. Nagsimula rin iyon sa isang video clip kung saan sinabi niyang “huwag ninyong kalilimutan, dito muna kami sa magbibigay sa amin ng prangkisa.”

Conflicting statements pero maliwanag na hindi alam ni Vice kung papaano makakuha ng prangkisa. Iyong sinasabi niyang mayroon nang may-ari ng dati nilang prangkisa ay mali. Hindi naililipat o naipagbibili ang isang prangkisa. Ang may-ari ng himpapawid ay ang bayan, sa pag-aaply ng prangkisa, humihingi ka ng pribilehiyo na maga­mit ang himpapawid, at ang nagbibigay niyan ay ang kongreso. Inaaprubahan ng presidente, pero ang kongreso ang nagbibigay niyan.

Ang sinasabi ni Vice na may iba nang may-ari ng kanilang prangkisa ay matapos na ibigay ng National Telecommunications Commission ang isang provisional authority sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS ni Manny Villar para siyang mag-operate ng Channel 2 at Channel 23, hanggang 2023, kung kailan inaasahan na magma-migrate ang television at radio broadcasting sa Pilipinas sa digital, gaya ng ginagawa sa buong mundo.

Oras na mag-digital, mas maraming magiging available frequencies, at kung makakakuha nga ng franchise ang ABS-CBN makakabalik sila on the air.  May isa pang punto, iyong Amcara Broadcasting Network ni Arcadio Carangdang may franchise rin iyan, pero lumabas sa imbestigasyon na ang gumagamit niyan ay ABS-CBN. Iyan ay ginamit nila sa kanilang TV Plus. Nabawian iyon ng franchise at iyon namang frequency noon ay nakuha ng SMNI ni Pastor Apollo Quiboloy, na mayroon ding franchise, humihingi ng frequency assignment at hindi mabigyan dahil walang bakante. Noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN, at ang AMCARA, nagkaroon ng bakanteng frequency dahil nawala na nga sila, iyon naman ang ipinagamit ng NTC sa dalawang aplikante para sa frequency.

Female star na nagmamalinis, naanakan ng waiter

Nagulat kami sa kuwento ng ilang kakilala namin tungkol sa isang female star, na noong araw ay naging “star” pala sa isang bar sa Ermita. Nagkaroon pala siya ng syotang waiter doon noon at nagkaroon sila ng isang anak, bago niya naging asawa ang asawa niya sa ngayon.

Nasa kanya naman daw ang naging anak nila noong waiter. Baka nga hindi na alam noong bata sa ngayon na iba ang tatay niya kaysa sa mga kapatid niya.

Talagang sa showbiz mahirap itago ang nakaraan ng isang tao. Lalabas at lalabas eh.

Isipin mo iyon may anak na pala sa dati niyang syota, pero kung magsalita ngayon napakalinis.

AJ RAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with