^

Pang Movies

Marian, maraming chika sa ginawang dokyu sa Israel   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian, maraming chika sa ginawang dokyu sa Israel              

Parehong co-producers ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ng GMA Network at APT Entertainment, para sa muli nilang pagtatambal sa pinakabagong sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa, for GMA.  

Sa direksyon ni Mike Tuviera, mapapanood sila sa world premiere ng sitcom on May 14, 7:15 p.m. sa GMA 7, after Pepito Manaloto.

Mas mauunang mapanood ang collaboration naman nina Dingdong at Marian sa isang documentary tungkol sa motherhood, para sa Mother’s Day. Ipakikita rito ni Marian ang hindi niya malilimutang journey as a Miss Universe 2021 judge held in Eilat, Israel na dinirek ni Dingdong.

“Handog po namin sa Mother’s Day ang documentary tungkol sa journey ni Yan sa Miss Universe at sa journey niya bilang ina at bilang isang ina na nasa ibang bansa,” sabi ni Dingdong. “The documentary is titled Miss U: The Journey To the Promised Land. Ginawa namin ito dahil bihirang pagkakataon iyong maging isa siyang judge, iyong makapunta kami sa Jerusalem sa Holy Land. Iyon din ang first time na­ming umalis after a while, na talagang nahirapan si Marian na iwanan nang ganoong katagal ang mga anak naming sina Zia at Sixto.

“Marian will be talking about motherhood, her relationship with her own mom (na first time niyang nagpa-interview) at magsi-share din siya ng story ng isang OFW na nakausap niya, who is also a mother there in Israel.  Ipakikita rin namin ang mga places na pinuntahan namin sa Jerusalem.”

Ang special Mother’s Day documentary ay mapapanood sa Saturday, May 7, 2:30 p.m., after ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Direk Gina, may paalala sa Donnas

Kung maraming pasabog ang finale tonight ng first GMA suspenserye na Widows’ Web after ng First Lady sa GMA 7, marami ring aasahang pasabog ang grand finale ng Prima Donnas tomorrow, April 30, 2:30 p.m., after Eat Bulaga. Na sabi nga sa zoom interview ng cast headed by the donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, with Elijah Alejo, at mga katambal nila, aakalain daw hindi pa sila magwawakas. Pero sa almost three years daw na magkakasama sila, lalo na noong lock-in tapings nila, isang magandang bonding ang nabuo sa kanilang lahat. Kaya natanong sila kung hindi ba magkakaroon ng season 3 ang serye, na ita-tackle na ang pagiging grown-ups nila.

“Marami ngang nagtatanong sa akin,” sagot ni Direk Gina Alajar. “Pero hindi pa namin alam. As of now, magkakaroon na ng kani-kanilang project ang bawat isa sa kanila, kaya ang advise ko sa kanila, they should never stop learning, huwag silang makampante, kung gusto nilang tumagal sa business na ito, at patuloy ko pa rin silang imo-monitor, even sa personal nilang buhay, dahil ‘nanay’ naman ang tawag nila sa akin sa set.  Huwag nilang kalimutan ang pakikisama sa ibang tao, that they always put their feet on the ground.”

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with