^

Pang Movies

Alden, napisil na tagasagot ng mga isyu sa eleksyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden, napisil na tagasagot ng mga isyu sa eleksyon

Si Alden Richards ang kinuhang Ambassador ng COMELEC for voters’ information. Siya ang katuwang ng COMELEC sa pagbibigay ng tamang impormasyon para sa darating na eleksyon!

Siya rin ang sasagot ng ilang mahalagang katanu­ngan sa pagboto sa tulong ng VoteCare advocacy ng COMELEC.

Natutuwa ang fans ni Alden sa bago niyang papel na malaki ang maitutulong sa mga botante. Kailangan lang niyang aralin ang mga impormasyon para kapag may nagtanong sa kanya, masasagot niya agad!

Maricel, napatawad ang ama bago pumanaw

Nasundan agad ang comeback project ni Maricel Laxa na Mano Po Legacy: The Family Fortune ng GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit na premiere na sa Monday, 2:30 p.m., after Eat Bulaga. Ang mga anak ni Maricel ang kumumbinsi sa kanya na tanggapin ang project na ino-offer sa kanya.

Speaking of Maricel, nakuwento nito ang isyu nila ng ama niyang si Tony Ferrer sa interview sa kanya ni Karen Davila sa vlog nito. Tungkol sa forgiveness ang topic at swak ang pagse-share ni Maricel.

Nakuwento nito na ipinakilala pala siya ni Tony sa kanyang legit family na kanyang pamangkin. Nang tanungin daw niya ang ama kung bakit pamangkin ang pakilala sa kanya sa mga anak nito, ang sagot ay “hindi pa nila maiintindihan.”

Inamin ni Maricel na apektado siya sa pagtatago sa kanya ng ama at dahil doon, iniwasan na niya ang ama at pati pagdalaw sa ospital nang magkasakit ito ay hindi siya sumama.

Ang maganda lang, bago pumanaw ang ama, nagkaayos sila. “Nang nasa ospital kami, I have to say, nawala ang tampo at tanong sa puso ko na kailangan naming i-settle that time,” kuwento ni Maricel.

Aubrey, pinangarap maging beauty queen ang anak

Sa ipinaalam ni Aubrey Miles na may ASD o Autism Spectrum Disorder ang anak nila ni Troy Montero na si Rocket, naalala namin ang minsang sinabi ni Aubrey sa anak sa isang interview.

Sinabi ni Aubrey na iti-train niyang beauty queen ang anak dahil gusto niyang maging beauty queen si Rocket. Kaya lang, dahil sa kondisyon nito ngayon, matupad pa kaya ang gusto ni Aubrey sa anak?

Sa kanyang Instagram, nabanggit nitong hindi nila agad isinapubliko ang tungkol kay Rocket dahil pinag-aaralan pa nila ni Troy ang ASD. Naghanap din muna sila ng specialist para masiguro ang kondisyon ng anak.

Inilatag din ni Aubrey ang mga nakita nilang symptoms kay Rocket at dumadaan ito sa ST o Speech therapy at OT o Occupational therapy. Ine-encourage rin nina Aubrey at Troy ang mga kagaya nilang may anak na may ASD to message them and share their story.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with