^

Pang Movies

Kylie, naging takbuhan si Zanjoe?!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kylie, naging takbuhan si Zanjoe?!           

Ask, Salve A., ni Kylie Verzosa how long it takes for one to totally forget a former loved one, lalo’t nagkataong siya ang first love mo at minahal mo talaga at feel mo, minahal ka rin.

Three years din nga naman nag-last ang relasyon nila ni Jake Cuenca. And witness tayo kung gaano nila minahal ang isa’t isa.

But at the moment, mismong si Jake ang may sabing wala nang balikang mamamagitan sa kanila. Although he will never forget daw Kylie and always will love and care for her.

But sa ibang degree na, siyempre.

Kaya, no comment na lang tayo, Salve A.

Both Kylie and Jake are mum about the reason of their breakup. “Obvious na matindi,” comment ng isang malapit sa kanila.

In the case of Kylie, nakatulong na may bago siyang project, Ikaw Lang ang Mahal, co-starring her with Zanjoe Marudo, a good and old friend.

With Zanjoe, therefore, naibubulalas niya somehow ang kanyang nararamdaman. Which, she tells Zanjoe rin, pray hard siyang ma-get over niya sooner than she expects.

Pray ka rin namin, Kylie.

Phillip, kinalimutan na si Joshua?

Halata ngang lumalala ang sakit ni Kris Aquino, kaya, sana nga makaalis na siya patungong Amerika nang mabigyan siya ng tamang medical treatment.

Tulungan natin siya ng dasal.

Malaking tulong kay Kris ang kanyang dalawang anak, lalo’t ang teenager na si James ‘Bimby’ Aquino Yap, na focus na focus talaga sa pag-aasikaso sa ina.

At si Joshua, ang panganay, na kahit hindi normal, health-wise, kumbaga, ang presence sa kanyang tabi na ina-appreciate ni Kris.

Come to think of it, Salve A., naaalala kayang kumustahin ni Phillip Salvador si Joshua, na kung hindi lang tabain ay spitting image niya?

Of Bimby nga pala, his dad is former top cager James Yap, na tumatakbo ngayon for councilor sa San Juan City.

Andi at Philmar, binuksan na ang bagong negosyo

Wow, bukas na raw ang surf shop at snack bar nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao, ipinagmamalaking tourist spot sa Northeastern Mindanao dahil sa pagiging tear-drop shaped at sobrang ideal daw for surfing ng lugar.

Professional surfer itong si Philmar who was born and grew up in Siargao.

Anak naman ng late kilalang aktor na si Mark Gil si Andi.

Mga kapatid niya sina Sid Lucero, Gabby, Ira at Maxene Eigenmann.

Graduate siya ng De La Salle U-College of St. Benilde, where she finished Bachelor of Arts and Fashion Design and Merchandising.

Naging contract talent siya for a time ng Viva Films.

KYLIE VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with