^

Pang Movies

Kylie, pahinga muna ang puso   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kylie, pahinga muna ang puso            

Pahinga raw muna sa pag-ibig si Kylie Versoza at sa career muna siya magpo-focus matapos ang break-up nila ni Jake Cuenca.

Ito ang sinabi ng beauty queen-turned-actress sa ambush interview sa kanya ni Ogie Diaz sa Pasay rally ni Vice President Leni Robredo last Saturday.

“Pahinga muna ‘yung puso, pahinga muna. Work muna. Balik-work,” she said.

Sinabihan naman siya ni Ogie na ang importante ay happy siya at unting nang nakaka-move-on, sey ni Kylie, “take it a day at a time, tapos, ano, feeling ko, time heals all wounds, saka nagpapasalamat lang ako sa lahat, nagpapasalamat lang ako sa lahat ng nangyari.”

When asked kung nagkita na ba sila ni Jake ulit, umiling si Kylie.

“Hindi kasi kami nag-uusap, eh,” sambit niya.

 Tanong ni Ogie, “ayaw mo muna?” at umiling ang aktres.

“Pahinga muna,” sabi ulit ni Ogie na inayunan naman ni Kylie.

“Pahinga muna, focus muna sa work and career,” she said.

Good thing ay busy ngayon si Kylie. Bukod sa sumasama-sama nga siya sa mga KakamPink rally ay nagpo-promote siya ng upcoming film niyang Ikaw Lang Ang Mahal with Zanjoe Marudo and Cara Gonzales mula sa direksyon ni Richard Somes. Magsisimula na itong mapanood sa May 20 sa Vivamax.

Suzette, hindi na ban!

Ilang araw palang na-ban sa Facebook ang kontrobersyal na screenwriter at creative consultant ng GMA-7 na si Suzette Severo Doctolero. Sa kanyang recent FB post, sinabi niyang malaya na raw siya ngayon which means lifted na ang kanyang ban.

May kinalaman sa politika ang dahilan ng kanyang pagka-ban ayon na rin sa kanyang paliwanag.

Inireklamo yata siya ng bullying at harassment ng mga supporters ni VP Leni since supporter naman siya ni Manila Mayor Isko Moreno.

“Yey malaya na akong muli! after ako ay parusahan ni FB na ma ban ng ilang araw. Alam ninyo naman ang mga fact checkers na Pinoy sa FB, na tila may kulay. Idagdag pang may ilang supporters na pikon at triggered lagi hihihi.

“Asarin mo na ang lahat: si Isko, si BBM, si Ping, huwag lang ang ina nila. Kaya si ina ay in a good place now (associated pa rin po ito sa death sa Philippine english lexicon chorva, gaya na may mga Philippine english tayo na iba ang meaning kaysa sa English ng Amerika o UK, like: salvage, chancing, vulcanizing shop, comfort room, etc. ‘Yan din ang alam ng marami kaya nga nag viral na naman ang ina nyong lutang di va?).

“At dahil may mga napikon sa pang aasar ko (kasi Bawal punahin ang ina nila kaya ang mga bantay ng FB ay umastang diktador so na ban ako, sa kasong bullying at harassment.

“Sino bully ko? Si VP? Sa panahon ng election? Weh?) at nakakabahala ito, kapag ginagamit ang power na ito para patahimikin ang iba na may ibang paniniwala,” post ni Suzette.

Sa huli ay sinabi niyang kay Isko pa rin siya.

KYLIE VERSOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with