^

Pang Movies

Kylie, focus muna sa trabaho

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kumpirmadong hiwalay na ang magkasintahang Jake Cuenca at Kylie Verzosa na kinumpirma mismo ang Kapamilya actor sa kanyang Instagram account last Friday, April 24.

Tumagal ng mahigit tatlong taon ang relasyon ng dalawa na nagsimula sa set ng Bastardos TV series ng ABS-CBN but only confirmed their relationship nung September 2019.

On her 30th birthday last Feb. 7 ay nakatanggap pa ng heartwarming birthday message sa kanyang Instagram account ang 2016 Miss International-turned actress mula sa actor not kno­wing na ito’y mauuwi rin pala sa hiwalayan pagkaraan ng mahigit dalawang buwan after the said post.

Sa presscon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal, isang romantic-drama movie na pinagtatambalan nina Kylie at Zanjoe Marudo kasama ang sexy actress na si Cara Gonzales at pinamahalaan ni Richard Somes under Viva Films, tinanong si Kylie ng iyong lingkod kung bakit ito napaiyak sa It’s Showtime last Monday kung saan isa siya sa judges sa isang segment ng programa along with Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno. Hindi nito napigilan ang umiyak nang maging topic ni Vice Ganda and his co-hosts ang tungkol sa breakups at hingin ang saloobin ng mga hurado including Kylie. Dito na napaiyak ng dating beauty queen-turned actress dahil sariwa pa ang breakup nila ng kanyang nobyong si Jake.

Sandaling natigilan si Kylie at nakiusap na huwag na muna siyang tanungin tungkol sa kanyang pag-iyak sa It’s Showtime na amin naman naunawaan. Sa halip ay tinanong namin siya (and the rest of the cast including Direk Richard) kung sino ang huling sinabihan nila ng Ikaw Lang ang Mahal. Sa halip na sabihin niya ang pangalan ni Jake ay sinabi niya ang kanyang sarili.

Hurting pa si Kylie sa recent breakup nila ni Jake pero naging professional siya sa kanyang trabaho nang humarap siya sa entertainment media para sa presscon ng unang tambalan nila ni Zanjoe na una niyang nakatrabaho. First time rin siya naidirek ni Direk Richard at unang beses din niyang nakasama sa movie si Cara.

On same day ng presson ng Ikaw Lang ang Mahal last Friday ay nag-post naman si Jake sa kanyang Instagram account confirming their breakup ni Kylie.

Samantala, all praises si Kylie sa kanyang bagong leading man sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal, ang The Broken Marriage Vow lead actor na si Zanjoe maging sa kanilang director na si Direk Richard. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa Vivamax steaming app sa darating na May 20, 2022.

Ngayong hiwalay na sina Kylie at Jake, gustong mag-focus ng una sa kanyang showbiz career para unti-unti niyang makalimutan ang painful breakup nila ng kanyang actor boyfriend.

Anak ni Bunny Paras na may rare illness, nagtatrabaho na sa Disney World

Twenty-three years old na ang panganay na anak ng dating That’s Entertainment member, ang LA-based actress na si Bunny Paras na si Moira sa kanyang ex-boyfriend, ang radio DJ at podcast host na si DJ Mo Twister (Mohan Gumatay) pero ang nakakalungkot, walang solidong relasyon ang mag-ama.

Si Bunny ay nag-relocate sa Amerika nung 2002 at pansamantalang iniwan ang kanyang anak na si Moira sa kanyang nakatatandang kapatid, ang actress na si Sharmaine Arnaiz bago niya pinasunod ang anak at ang kanyang ina sa Amerika.

It was a struggle sa simula pero unti-unting nakapag-adjust si Bunny sa kanyang buhay sa Amerika.  What made it worse ay nang ma-diagnose si Moira of a rare illness, ang kanyang pagkakaroon ng Friedreich ataxia, isang inherited condition na siyang dahilan ng kanyang movement problems due to impaired muscle coordination na lalong lumalala sa pagdaan ng panahon. Du­ring this time ay mag-isang iginapang ng (dating) aktres ang pagpapagamot at pag-aalaga sa kanyang panganay hanggang dumating sa kanilang buhay ang kanyang mister na ngayon, ang Fil-Am na si Tom Greenway na hindi lamang naging strength sa kanilang mag-ina kundi ito pa ang tutok sa pag-aalaga kay Moira lalo na sa physical, medical at financial needs nito.

Nang ikasal sina Bunny at Tom, in-adopt ng huli si Moira, na nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

From day one, parang sariling anak na ang trato ni Tom kay Moira na never naramdaman ng bata sa kanyang biological father.

Last January 2022, si Moira ay inihatid ni Tom sa Disney World in Florida, USA kung saan ito nag-avail ng Disney program sa mga handicapped people na puwedeng magtrabaho and be on their own.  Sa umpisa ay reluctant ang mag-asawang Bunny at Tom pero si Moira na mismo ang may gusto kaya nila ito eventually pinayagan. Inihatid ni Tom ang dalaga sa Disney World in Florida dala ang kanyang heavy-duty wheelchair na binili mismo ng mister ni Bunny.

Si Moira ay nagtratrabaho as reception and guest services sa All Star Music Hotel in Disney World – Florida. Sa kabila ng kanyang kapansanan, nakapagtapos siya ng Hospitality Management sa State Polytechnic University in Pomona, California, USA.

KYLIE VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with