^

Pang Movies

Bukod sa mga paupahang apartment... sikat na aktor may taxi business na rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Balita namin, papasukin ng isang sikat na aktor ang taxi business, idadagdag nito sa iba pa niyang negosyo na in fairness, puro successful.

Hindi lang maingay ang aktor pagdating sa kanyang mga negosyo, pero marami na pala. May mga apartment for rent din daw ito kasama ang kanyang pamilya.

In-announce lang ng aktor ang kanyang mga negosyo kapag kailangan, pero ‘pag hindi naman kailangang ipang-ingay, tahimik lang siya. Magugulat ka na lang, may ganun pala itong negosyo.

Iyong sa apartment, aksidente lang namin nalaman, may nagkuwento lang at pareho sila ng kanyang asawa na bago pa man sila ikasal, may pinauupahan ng rows of apartment. Sa mga apartment pa lang ng mag-asawa, maayos na ang kanilang buhay at idagdag pa ang iba nilang negosyo.

Aksidente ring nalaman ang tungkol sa pagpasok sa taxi business ng aktor, hindi alam ng source kung ilang taxi fleets ang ilalabas ng aktor at ng kanyang partners. Pati kung ano ang magiging pangalan ng taxi nito.

Bukod kay Luis Manzano na may taxi business din, ang aktor pa lang ang alam naming papasukin ang negosyong ito.

Winwyn, di pinalampas ang hinala sa BF

May nagtanong kay Winwyn Marquez kung bakit ayaw niyang ipakita ang mukha ng partner niya. Tanong ng netizen, “Bat ayaw ipakita asawa nito? Siguro may?” na ang ibig tukuyin, may asawa na ang lalake.

Sumagot si Winwyn ng “Siguro kasi feed ko ‘to dahil nood ka muna nito para di ka low key nag aassume. Enjoy!”

Ang ipinapanood ni Winwyn ay ang kanyang vlog kung saan, makikita ang malaki niyang pregnant tummy at may pasilip pa sa kanyang partner. Part ng ilong at side view lang ng noo ng guy ang mapapanood, kaya siguro, kaya may nag-comment na naman na ginawa niyang malign ang partner niya na pasulput-sulpot sa photos at sa vlog. Comment pa ng netizen, sana hindi pamilyado ang lalake kaya palaging itinatago ni WinWyn.

“Pag nasulpot lang sa pics problema ba yun? Pag di naman nakikita pamilyado agad kaya nagtatago agad. Nood na muna nito (kanyang vlog) para malinawanagan.”

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Winwyn at kahit daw wala pang gender reveal, alam na ng netizens dahil blooming at maganda raw buntis si WinWyn.

DongYan, nakiramay sa namatay na nanay ng baguhang aktor

Hindi makikita ng ina ng newbie actor na si Blue Cailles ang pagsikat ng anak dahil pumanaw ito, at kahapon ang interment. Hindi nabanggit kung ano ang ikinamatay ng ina ng aktor, pero sa nakita naming photos, bata pa ito.

Kabilang sa pinasalamatan ni Blue ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa ipinadala nilang bulaklak bilang pakikiramay. Sabi ni Blue, pinasaya at pinakilig nina Dingdong at Marian ang mom niya sa afterlife nito.

Nakuwento nito sa isa niyang earlier post sa Instagram na crush si Dingdong ang mom niya. “Inyaki po ang nickname ko sa bahay dahil crush po ni Mommy si Iñaki Torres na character po ni Kuya Dingdong sa TGIS.”

Kung tama kami, Regal baby itong si Blue at napapanood siya sa Mano Po Legacy: Her Big Boss as Lemuel, the “rocker BF” ng aktres na gumaganap na sister ng karakter nina Ken Chan at Teejay Marquez.

Sana, maging motivation ni Blue ang kanyang ina para magpursige pa at magsipag at matupad ang pangarap nito sa kanya. Si Alden Richards ang naaalala namin kay Blue, parehong pumanaw ang ina na nagsisimula pa lang ang showbiz career nito.

Sofia at Saviour, huhusgahan sa raya...

Napanood namin ang TikTok nina Sofia Pablo at Saviour Ramos habang nasa taping ng Raya Sirena at dahil parehong naka-costume ng mermaid at merman, hirap silang sumayaw. Hindi pa nga tapos ang TikTok, natumba na si Saviour, mabuti at sumali sa TikTok nila si Allen Ansay, nasalo nito ang matutumba na rin sana na si Sofia.

Maganda itong pang-promo sa simula ng airing ng Raya Sirena this Sunday, 3:25 p.m., na tatakbo ng seven weeks.

WINWYN MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with