^

Pang Movies

Juancho at Kristoffer, naka-isang dekada na ang bromance  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Juancho at Kristoffer, naka-isang dekada na ang bromance           

Isang dekada na pala ang nabuong bromance sa pagitan ng dalawang Kapuso actors na sina Juancho Triviño at Kristoffer Martin.

Best friends ang turingan ng dalawa simula noong magkasama sila sa isang acting workshop sa GMA noong 2012.

Baguhan pa lang daw noon si Juancho at kasama rin nila that time ni Kristoffer sa workshop sina Alden Richards, Derrick Monas­terio, at Enzo Pineda.

Sa kinuwento ni Juancho sa kanyang vlog, si Kristoffer daw ang unang namansin sa kanya sa workshop.

“Siyempre dahil baguhan ako, ako ‘yung magpapakilala, ako ‘yung bagong salta eh. Si Kristoffer ‘yung unang namansin. Hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi niya sa akin na, ‘Alam mo kamukha mo si Hiro Peralta pero mas guwapo ka.’ Yun ang naging icebreaker namin. Doon na nag-start ‘yung pagkakaibigan namin and it has been 10 years since.”

Marami raw naging pagsubok ang friendship nila Juancho at Kristoffer. Pero isa sa ikinatuwa ni Juancho ay noong i-share ni Kristoffer ang sikreto pa noon na nagkaroon siya ng anak na si Precious Kristine.

Isa rin si Juancho sa natuwa noong ikasal na si Kristoffer sa long time girlfriend nito at ina ng kanyang anak na si AC Banzon noong nakaraang February.

Ngayon ay ang madalas na nilang pag-usapan ay ang pagiging tatay sa kanilang anak at pagiging mapasensyang mister sa kanilang mga misis.

Boxing legend Mike Tyson, kakasuhan sa panununtok sa eroplano

Kakasuhan ang boxing legend na si Mike Tyson dahil sa pag-assault niya sa isang pasahero na sakay ng Jet Blue kamakailan.

Sa isang video na nakarating sa TMZ, makikitang sinuntok ng ilang beses ng 4-time WBC heavyweight champion ang isang pasaherong lalake na naging agresibo sa kanya.

Ayon sa ilang eyewitnesses, sumakay si Tyson sa flight from San Francisco si Florida. May nakasabay si Tyson na isang lalake na nakipag-selfie pa sa kanya. Wala naman daw naging problema kay Tyson.

Pero noong nasa loob na ng eroplano, masyadong nagpaka-close ‘yung lalake kay Tyson at iniistorbo niya ito sa kanyang seat.

“Mike asked him to stop, but the man kept talking. That’s when Tyson started throwing punches. Shortly afterward, Mike exited the plane,” kuwento ng isang eyewitness.

Duguan ang lalakeng pasahero at binigyan ng medical attention.  Ayon sa pinadalang mensahe ng rep ni Tyson: “Unfortunately, Mr. Tyson had an incident on a flight with an aggressive passenger who began harassing him and threw a water bottle at him while he was in his seat.”

Humihingi ng comment ang TMZ sa pamunuan ng Jet Blue at kay Tyson tungkol sa nangyaring assault. Wala pang sumasagot sa kanilang dalawa.

vuukle comment

JUANCHO TRIVIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with