^

Pang Movies

Heart at Mayor Joy, pasok sa tatler’s 32 Women of Impact

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart at Mayor Joy, pasok sa tatlerâs 32 Women of Impact

Nasa bansa ang Crazy Rich Asians author na si Kevin Kwan at ang film producer na si Lawrence Bender at kabilang si Heart Evangelista sa na-meet nila habang nasa Pilipinas.

Dahil sa pakikipagkita nina Heart kina Kevin Kwan at Lawrence Bender, may mga nag-akalang may international collaboration uli si Heart. Si Lawrence Bender kasi ang producer ng Pulp Fiction, Good Will Hunting, at Inglourious Basterds.

Gagawa rin ng international movie ang naisip ng follo­wers ni Heart na nakakita sa post niya ng photo with Kwan and Bender at excited na sila sa kung sakaling may project silang pinag-usapan. Mas lalo pang naniwala ang fans/followers ni Heart dahil sa isang latest interview, nabanggit na matagal siyang mawawala sa bansa.

In fact, aalis siya sa May, hindi sinabi kung saan siya pupunta at tatapusin lang siguro ang May 9 elections at lilipad na. Hanggang August daw siya sa ibang bansa at walang ibang naisip ang fans nito kung ano ang gagawin niya sa abroad na aabutin ng four months kundi ang mag-shooting ng pelikula.

Anyway, kasama si Heart sa list ng Tatler ng 32 Women of Impact at ang description sa kanya ay “Designer, artist, actor, global influencer, style icon.”

Kabilang din sa list ng Tatler si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang pakilala ay, “The 45-carat diamond of Quezon City is its mayor.”

Sam, kapuso na?!

Marami palang fans sina Julie Anne San Jose at Sam Concepcion at ang tawag nila sa kanilang grupo ay SamLie. Masaya ang SamLie fans dahil maggi-guest sa All-Out Sundays this Sunday si Sam.

May mga napa-“OMG!” sa balitang guesting ni Sam sa Kapuso Sunday show at may nag-comment na seven years niyang hinintay na maging Kapuso si Sam.

Naalala namin, nag-meeting sina Mr. Vic del Rosario at mga anak na sina Vincent, Valerie at Veronique sa bossing ng GMA Network kabilang si Atty. Annette Gozon-Valdes. Hindi nabanggit kung ano ang pinagmitingan nila, may nag-comment lang na baka guesting sa GMA shows ng Viva artists at kabilang nga si Sam.

ArMaine, nag-celebrate sa beach

Three years and four months na pala ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, nag-celebrate sila sa beach pa rin. Nag-post ng photo si Maine sa Instagram at may caption na “To more coladas, laughs, and sunsets with you” na kinakiligan ng kanilang ArMaine fans.

Hindi lang maiwasan na hanggang ngayon, may kumokontra pa rin sa relasyon ng dalawa, lalo na ang ilang members ng AlDub.

Curious kami, kailan kaya matatanggap ng ilang AlDub fans na sina Maine at Arjo na, three years na nga at hindi si Alden Richards ang nagpapangiti, nagpapatawa, at nagpapakilig kay Maine.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user