^

Pang Movies

Matteo, magpapakitang gilas sa pagluluto   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Matteo, magpapakitang gilas sa pagluluto                        

Mukhang ini-enjoy ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na nakabili na sila ng malaking farm sa Laguna, kaya hindi kataka-takang nag-guest si Matteo at maka-bonding si Chef JR Royol sa programa nitong Farm To Table sa GTV tomorrow, April 24, 7:00 p.m.

Isang exciting food adventure ang ipakikita at ipatitikim ni Chef JR na Bicol recipes niya, at tiyak na papakitaan at ipatitikim din naman ni Matteo ng kanyang Italian recipes.

Sofia at Allen, thankful

Thankful ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, sa pagtitiwalang ibinigay sa kanila ng GMA Network, na pangunahan ang seven-part weekly afternoon mini-series na Raya Sirena. Ang heartwar­ming fantasy series ay magsisimula nang mapanood tomorrow, April 24, 3:05 p.m. Sofia is the mermaid Raya at si Allen is Gavin, son of the resort’s caretaker. Naunang napansin ang love team nina Sofia at Allen sa Prima Donnas, na nasa finale week na simula sa Monday, April 25.  

Ilan pa sa bumubuo ng cast si Shirley Fuentes, at ilan pa sa Sparkada ng Sparkle GMA Arstist Center, and directed by Crisanto Aquino.

Tonton at Buboy, naalala ang hirap sa paglilihi ng asawa

Masaya ang zoom mediacon ng False Positive, dahil first time na ginawa ng creative team ng GMA Network ang kuwento nito. Pangungunahan ang cast nina Glaiza de Castro at Xian Lim sa kanyang first serye sa network.

Paano mabubuntis ang isang lalaki, at isa sa nakakatuwang eksena sa teaser ay iyong oras na magsisilang na si Xian, kaya ang tanong, paano?

Dahil tungkol sa paglilihi ng mga babae ang story, natanong ang dalawang tatay na sina Tonton Gutierrez at Buboy Villar, kung ano ang naging experience nila nung time na naglilihi ang mga asawa nila?  

Si Tonton, santol daw ang gustong kainin ng wife na si Glydel Mercado, kaya lang midnight na nang mag-request si Glydel kaya hindi niya alam kung saan siya bibili ng oras na iyon, lahat ng puntahan niyang palengke, sarado.

Grapes na walang buto naman ang gustong kainin ng wife ni Buboy na si Angillyn. Hindi alam ni Buboy kung saan siya bibili ng ubas na walang buto, pero nang finally may nakuha siya, pagdating daw niya sa bahay, ayaw na ni Angillyn, gusto na raw lamang niya kainin ay pakwan (watermelon).

Thankful and excited si Buboy na nakasama sila ni Herlene Budol sa False Positive, feeling daw niya ay leading man siya ni Herlene na gaganap silang sina Malakas at Maganda. Directed by Irene Villamor, sa May 2 na ang world premiere ng serye.

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with