^

Pang Movies

Ricky inalala, may pa-mass sa birthday  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ricky inalala, may pa-mass sa birthday             

Remind lang kita, Salve A., that today, April 21, Thursday, our dear late friend, Ricky Lo, would have turned a year older.

And his sister, Susan (Lee, current surname niya; Lo is her maiden surname) is reminding everyone na may pa-mass ang family niya, at 9:00 a.m., yes, today, sa Sto. Domingo Church, along Quezon Avenue, sa side altar ng simbahan.

Inaasahan ang pagdalo ng mga nagmamahal at kaibigan ni Ricky.

Ricky, may you rest in peace.

Before his death, Ricky was entertainment editor ng The Philippine STAR, isa sa pinakamabiling pahayagan ng bansa.

Si Nathalie Tomada na ngayon ang bagong section editor ng newspaper.

Sen. Bong, miss na agad ang leading ladies

Miss na raw, yes, this early pa lamang ang tatlong beauty queen leading ladies niya sa nagtatapos nang action series niyang top-rater pa man din, Agimat ng Agila, seryosong pag-amin ni Senator Bong Revilla.

They were all fun to work with daw. Pawang seryoso at mababait daw.

And these are, of course, Rabiya Mateo, MJ Lastimosa at Michelle Dee. Plus, of course, Sanya Lopez, na kahit baguhan pa lamang holds great promise.

At huwag nating isnabin ang presence ni Elizabeth Oropesa, na ang galing bilang aktres ay waring ‘di kumukupas.

Hindi pa ina-announce ng GMA 7 ang next assignment ni Senatong Bong.

Well, dapat maganda rin ito, at tiyakin nilang susubaybayan din ng manonood.

Dingdong, amazing ang takbo ng career

Type na type naming pinanonood ang daily game show, Family Feud.

Ang galing nang mag-host ni Dingdong Dantes. Bukod sa magagaling din ang kanilang featured guests, well, bilang contestants.

Mga guwapo at magaganda.

Kaya lang, okay lang ba ang cash prize at stake? Parang sapat lang na pamasahe, kung wala kang kotse, papunta sa studio at pauwi ng bahay.

Kung sabagay, ‘yong karanasan na pagiging contestant, iyon ang hindi mababayaran ng salapi.

Well, ‘yung bagong show ni Dingdong, isang sitcom, na katambal, no less, ang asawang si Marian Rivera at may titulong Jose and Maria’s Bonggang Villa, mukhang kaabang-abang din.

Lalo’t if true, na 10 years ago nang huli silang magtambal. Hindi pa sila mag-asawa noon, since their panganay, si Zia, is only magse-seven years old.

Amazing to the max ang showbiz career nitong si Dingdong, considering that every Sunday napapanood pa rin siya as host ng informative show, Amazing Earth.

Come to think of it, how much kaya weekly ang collective earnings nitong si Dingdong.

May endorsements pa rin siya, na hindi biro ang payment per product?

RICKY LO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with