^

Pang Movies

Baguhang aktres sa sparkle, nakipagsabayan kay Carmina  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Baguhang aktres sa sparkle, nakipagsabayan kay Carmina                 

Natupad ang pangarap ng isa sa new faces ng Sparkle GMA Artist Center na si Vanessa Peña na makapasok sa showbiz at ipakita ang mga nalalaman niya sa pag-arte.

Sa unang project na lang ni Vanessa, nakasama siya sa crimeserye ng GMA na Widows’ Web kung saan nakikipagsabayan siya sa pag-arte with Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Vaness del Moral at Pauline Mendoza.

Nagiging hugot daw sa acting ni Vanessa ay ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

“Ako po ‘yung strength ko po sa pag-acting is syempre po ‘yung naranasan ko, ‘yung journey ko po bago ako mapunta rito, iyon po ang nagbibigay sa akin ng lakas. And of course ‘yung mommy ko po, gustung-gusto niya po talaga na nakikita niya ako sa TV na nagpe-perform, umaarte. Kapag nakikita ko po siya sobrang saya ko.”

Sa mga susunod na projects daw ni Vanessa, gusto niyang mas ma-challenge pa kaya gusto niyang inaapi siya sa isang teleserye.

Ka-partner ni Vanessa sa Widows’ Web ay ang isa ring kasama niya sa Sparkada na si Anjay Anson.

World famous athlete Cristiano Ronaldo, namatayan ng anak

Nakikiluksa ang higit na 429 million followers sa Instagram ng world famous athlete na si Cristiano Ronaldo dahil sa pagpanaw ng isa sa kambal nitong anak.

Ayon sa star player ng Manchester United, hindi naka-survive ang isa sa twins nila ng kanyang girlfriend na si Georgina Rodriguez at ito ang naging mensahe nila sa social media.

“It is with our deepest sadness we have to announce that our baby boy has passed away. It is the greatest pain that any parents can feel. Only the birth of our baby girl gives us the strength to live this moment with some hope and happiness. We are all devastated at this loss and we kindly ask for privacy at this very difficult time. Our baby boy, you are our angel. We will always love you.”

October 2021 nang i-announce ng “most followed celebrity on Instagram” na twins ang dala ng kanyang girlfriend. May apat na silang anak: Cristiano Jr. (11), twins Eva and Mateo (4 years old) and Alana Martina (3 years old).

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with