^

Pang Movies

Bea, mas priority pa rin ang trabaho kesa kay Dominic

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bea, mas priority pa rin ang trabaho kesa kay Dominic
Bea Alonzo.

Hindi raw bothered si Bea Alonzo tuwing may nagtatanong sa kanya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa sa kanyang edad na 34.

Kung tutuusin ay wala na siyang poproblemahin sa buhay dahil bukod sa sunud-sunod pa rin ang endorsements niya, meron siyang properties tulad ng bahay at malaking farm. May negosyo rin siya at nakakontrata pa siya sa isang malaking network.

Pero may iba pa raw priorities ang aktres kaya hindi siya nagpapa-pressure na mag-asawa na. “Sa ngayon sinabi ko nga na parang ang dami ko pang gagawin. Parang ayoko naman na hindi i-prioritize ‘yung family ko kapag nandiyan ‘yung fami­ly ko. Siguro ngayon ipa-prioritize ko muna ‘yung mga na-oohan ko nang proyekto. Sa totoo lang marami pa namang projects na natatanggap pa rin. And doon ko na-realize that I should represent Filipinas in their 30s na hindi pa nagse-settle down,” sey ni Bea.

Pero kung sakaling mag-propose raw ang boyfriend niyang si Dominic Roque, hindi raw niya ipagdadamot ang kanyang matamis na “oo.”

Anne at Erwan, nag-baby sit sa anak nina Nico at Solenn

Nag-volunteer na maging baby sitter ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff para makapag-date ang mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Huessaff.

Lumipad for Singapore ang dalawang couple kasama ang kanilang mga anak na sina Thylane at Dahlia. Bukod sa Holy Week vacation, may inasikaso ring business sina Solenn at Nico roon. At dahil gusto ng dalawa na magkaroon ng date night, sina Anne at Erwan na ang nag-babysit kay Thylane.

Sa pinost na video ni Solenn, nag-night out sila ni Nico over steak and wine. Matagal na raw nilang hindi nagawa ang magkaroon ng date night dahil lagi nilang kasama si Thylane.

Fil-Am actor-singer Darren Criss, tatay na

Daddy na ang Filipino-American actor-singer na si Darren Criss.

Sinilang ng misis ni Darren na si Mia noong nakaraang April 11 ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Bluesy Belle.

Post ng Emmy Award winner sa Instagram: “M & D made some sweet music.”

Noong October 2021 in-announce ni Darren ang pagbubuntis ni Mia. Two years din ang hinintay nila bago sila nagkaroon ng baby.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user