^

Pang Movies

Gloria Sevilla, pinasikat noon ang saya sa russia  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinasabi nila na hindi na nagising ang aktres na si Gloria Sevilla sa kanilang tahanan sa Oakland, California noon mismong Biyernes Santo. Nagluluksa ang pamilya, pero wala pang sinabi kung ano ang plano nila, kung dito ililibing si Tita Glo.

Marami na ang nakalimot kung sino si Ate Glo  maliban sa sinasabi nilang siya ang “reyna ng mga pelikulang Bisaya.”

Actually nakilala namin si Tita Glo dahil kay Mommy Estrella Alfon noong early 70s pa. Si Tita Glo bukod sa pagiging aktres at producer din ay naging isa rin sa mga pioneer na miyembro ng FAMAS, dahil ang FAMAS  noong araw ay isang akademya na binubuo ng iba’t ibang sektor ng industriya ng pelikula.

May isang anekdotang hindi nila alam, si Tita Glo at si Tito Mads (Amado Cortez), ang kauna-unahang mga artistang Pilipino na lumabas sa front page ng Pravda, ang opisyal na diyaryo noon ng Unyong Sobyet sa Russia. Dumalo sila ng film festival sa Tashkent, at noong awards night, sa kabila ng  temperaturang 4 degrees na lahat ay naka-coat, dumating si Tita Glo na nakasuot ng sayang Pilipino, at si Tito Mads naman ay Barong Tagalog. Tiniis nila ang ginaw dahil sinasabi nga nila na ang layunin nila ay ipakilala ang mga Pilipino.

Nagkagulo raw ang mga photographer at kinabukasan ang “actress from the Philippines” ang nasa front page ng Pravda.

Nakita namin iyon sa English edition ng Pravda na dala nina Tita Glo.

Kinabukasan daw hinahanap ng mga tao ang kanilang pelikula.

Dahil din sa pagpapalaganap nila ng kulturang Pinoy, kaya nga ginawang consul ng Pilipinas noon sa US si Tito Mads.

Isang premyadong aktres si Tita Glo, wala yatang award giving body noong panahong iyon na hindi kumilala sa kanya.

Natatandaan pa naming, may ilang members ng isang award giving body na nag-question dahil ang pelikula daw nina Tita Glo ay Bisaya, na ipinagtanggol naman nina Estrella Alfon at Lilia Rianzares Andolong na nagsabing “bakit hindi ba Pilipino ang Visaya”. At nanalo ng award si Tita Glo.

Si Tita Glo rin ang isa sa mga moving spirit noon ng mga senakulo, kung saan madalas na siya ang lumalabas na Virgin Mary at si Mat Ranillo 111 naman ang Kristo.

Kung magkuwentuhan kami noon nina Tita Glo at Tito Mads, inaabot ng hatinggabi, at kung ikukuwento natin lahat iyon, baka abutin pa tayo ng kasunod na Biyernes Santo.

Ate Vi, mas relaxed na

Sigurado, nakita ng kanyang fans ang video ni Ate Vi, nakangiti, nasa tabing dagat at mukhang walang problema. Sabi nga nila mukhang bumata pa ito ng 20 years. Ngayon relaxed na siya at walang ibang iniisip dahil iniwan na nga niya ang pulitika. Deserve naman niya ang magpahinga na bagama’t marami pa rin silang mga kakabayan na umaasang magbabalik pa siya sa public service.

Pero ang pangako, at mukhang tutuparin na nga ni Ate Vi ay showbiz ang babalikan niya, iyon nga lang baka manibago siya dahil wala pang producer na gustong magsimuila ng tunay na pelikula.

Marami pa ang Vilmanians, at nadagdag pa nga ang mga die hard sa kanyang mga Batangueno, na inaabangan din ang gagawin niyang pelikula sakaling ipalabas sa mga sinehan.

TH singer, butata sa player

Pahiya ang isang trying hard singer na wala namang bumili ng kanta. Hindi niya maitago na may gusto siya sa isang poging basketball player kaya nga lagi siyang nanonood ng laro ng team nito, at nagwawala sa katatalon sa tuwing makaka-shoot iyon ng bola.

Kaso sa kabila ng mga gimmick niya, no pansin pa rin sa kanya ang poging basketball player, kasi pala may syota na iyon, na ‘di hamak na mas maganda naman kaysa sa hindi sumikat na singer.

HOLY WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with