^

Pang Movies

Maja engaged na sa non-showbiz jowa   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Maja Salvador and her non-showbiz boyfriend Rambo Nuñez-Ortega, they are now engaged! Maja announced the happy news sa kanyang Instagram, sharing a photo nila ni Rambo, habang ipinapakita niya ang kanyang engagement ring, at naging emotional siya: “My new beginning,” her IG caption.  Post naman ni Rambo sa photo nila ni Maja: “the best part is yet to come.”

Inulan naman ng congratulatory messages sina Maja at Rambo from their friends and colleagues; Gabbi Garcia, Sarah La­bhati, Jasmine Curtis-Smith, Isabelle Daza, Max Collins and Andi Eigenmann.

Start Up, balik-taping

Balik-taping na today, April 19, ang Start-Up Ph adaptation of the Korean drama for GMA Network, nina Alden Richards at Bea Alonzo, after nilang mag-submit muli sa swab-test kahapon.  Tuluy-tuloy na ang taping nila at magbi-break lamang sila sa election day sa Monday, May 9.

Meanwhile, sa kanyang Beati Farm sa Zambales nag-stay si Bea with her family sa during the Holy Week.  Gumawa rin siya ng bagong vlog tungkol sa farm na ipinakita niya ang kanilang Beati Farm Chapel, sitted sa 40 sq. m. lot inside the farm, na tapos na ang pagkagawa, sa pamamahala ng mommy niyang si Mary Ann na siya ring nag-design ng chapel at tinulungan sila ng Catholic Trade Manila, dahil may mga rule palang dapat sundin sa pagtatayo ng isang chapel. 

Ngayon daw ay pwede na silang mag-imbita ng mga karatig farm nila para mag-celebrate sila roon ng Holy Mass every Sunday or kung mayroong occasion na dapat i-celebrate.

Ipinakita rin ni Bea sa kanyang vlog ang bagong tayong gym at ang lumalaki niyang piggery sa farm, bukod pa sa mga fruit-bearing trees doon.

Jo, muntik bumalik sa pagiging agent sa call center

Finale week na ngayon ng GMA Afternoon Prime drama series na Little Princess ni Jo Berry.

Sa isang interview pala kay Jo, nabanggit niyang nang magsimula ang Covid-19 pandemic two years ago, nawalan siya ng trabaho kaya nagplano siyang muling mag-apply bilang isang call center agent. Iyon ang work ni Jo bago siya napasok sa GMA Network, para sa first teleserye niyang Onanay.

“Nang magka-pandemic, hindi ko sure kung may babalikan pa akong career, dahil nahinto ang mga taping at live show dahil sa lockdown,” sabi ni Jo.  “One year din iyon, kaya labis ang pasasalamat ko nang i-offer sa akin ang Little Princess.

After ng lock-in taping ni Jo ng serye, patuloy din siyang binibigyan ng guest appearances sa iba pang shows ng GMA, kaya labis-labis ang pasasalamat niya.  Napapanood ang Little Princess at 3:25PM, after Prima Donnas sa GMA-7.

MAJA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with