^

Pang Movies

Heart, walang kiyemeng naglantad ng katawan  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heart, walang kiyemeng naglantad ng katawan           

Walang kiyemeng ibinalandra ni Heart Eva­ngelista ang kanyang kaseksihan sa kanyang bakasyon sa Balesin Island.

Kasama ni Heart ang kanyang team sa bakasyon at pinakita nito ang kanyang beach-ready body suot ang ilang designer swimwear na libu-libo ang halaga.

Unang pinost ni Heart ay ang nakakasilaw na two piece bikini na mula sa Maison Alaia. Isang luxury brand ang Maison Alaia na ang swimwear line ay nagkakahalaga mula $800 to $1,000.

Sunod na sinuot ni Heart ay zebra-print na bikini na gawa ng Montce Swimwear na ang presyo ay between $200 hanggang $500.

Ang ikatlong swimwear ni Heart ay black two-piece bikini from Hermes na ang price range ay mula $400 hanggang $1,700.

Maraming netizen ang namangha sa magandang kurba ng katawan ni Heart na dapat ay hindi nga niya itago ngayong summer.

Aliw ang maraming netizen sa mga post ni Heart dahil sa nirarampa niyang designer swimsuits ay ‘di afford ng ilan niyang follo­wers sa social media kaya hanggang comment na lang sila.

Fifth, nag-jowa reveal na

Isinapubliko na ng actor-director na si Fifth Solomon ang kanyang relationship sa kapwa niya lalake. Pinost niya ito sa Instagram na may hashtag na #JowaReveal.

“Ganito pala feeling ng may jowa. Maka­kagamit na din ako ng quotes tulad ng ‘I wish I knew you before I knew you,’” caption pa ni Fifth habang nagbabakasyon sila ng boyfriend sa Bohol.

Isang model at gamer ang boyfriend ni Fifth na pangalan ay Sacarie.

Si Fifth Solomon o Roberto Solomon Pagotan V ay dating housemate ng Pinoy Big Brother ay kapatid ng Bubble Gang comedian na si Chariz Solomon. May twin brother si Fifth na si Fourth o Robert “Bobby” Solomon Pagotan IV.

Noong 2014 pa alam ni Chariz ang pagiging bisexual ni Fifth. Nag-out kasi si Fifth sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sey pa noon ni Chariz: “’Di na ako na-surprise. Happy naman ako para sa kanya kasi desisyon n’ya ‘yan eh.”

Oscar-winning actor Cuba Gooding Jr., guilty sa pangha-harass sa waitress

Nag-plead guilty ang Oscar-winning actor na si Cuba Gooding Jr. sa isang New York court sa pagpuwersa nito sa isang waitress na halikan siya.

Ayon sa lawyer ni Gooding na si Frank Rothman: “He admitted to one charge that he kissed a waitress without her consent, all the other charges have been dismissed. In six months, if he stays out of trouble, that charge will be withdrawn, and he will have no criminal record at the end of this.”

Isa lang ito sa higit sa maraming kaso niya dahil sa pangha-harass sa maraming babae. Higit na 20 women ang nag-file ng reklamo sa aktor dahil sa ginawa nitong unwanted touching and groping.

Gusto ng mga biktima ng Jerry Maguire star na pagbayaran nito ang kanyang kasalanan tulad ng producer na si Harvey Weinstein na hinatulan ng 24 years in prison dahil sa sexual assault nito sa mara­ming kababaihan, iba sa kanila ay mga artista.

vuukle comment

HEART EVA­NGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with