^

Pang Movies

Sofia, pinamigay ang mga nakuhang birthday gift  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sofia, pinamigay ang mga nakuhang birthday gift               

Naging mas makabuluhan ang 16th birthday ng Sparkle star at bida ng Raya Sirena na si Sofia Pablo.

Imbes na magkaroon siya ng bonggang birthday ce­lebra­tion, simple lang daw ang naging celebration niya sa bahay at ang marami niyang natanggap na regalong pagkain mula sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at sponsors sa social media ay pinamigay niya sa maraming taong nangangailangan.

Kasama ang kanyang pamilya, umiikot si Sofia sa ilang lugar at namigay ng ayudang pagkain sa mga madaan nilang mga bata at nangangalakal.

Nagsimula na kasi sa kanyang hectic taping ng Raya Sirena si Sofia kaya pinagpaliban na muna niya ang pinlano niyang cruise at ATV (All Terrain Vehicle) party kasama ang mga kaibigan.

Bago siya nag-taping, nagkaroon si Sofia ng Sweet Sixteen princess-theme photo shoot. Inayusan siya bilang modern-day version of Ariel from the Little Mermaid and Belle from Beauty and the Beast.
Ang naging comment lang ng kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay sa photo shoot ay “ganda mo”.

Jericho, nakatanggap ng nominasyon sa pagiging basurero

Nakatanggap ng nominasyon as best actor si Jericho Rosales mula sa NewFilmmakers Los Angeles (NFMLA) para sa pagganap niya sa short film na Basurero na nominated din for best international drama.
“This little jeepney made it to Hollywood! Cheers team!,” caption ni Jericho sa Instagram post niya.
Ang NFMLA ay isang nonprofit organization “that supports emerging filmmakers and artists through a monthly series of screenings and events in Los Angeles. The nominees for NFMLA’s 10th annual awards were first reported by Hollywood trade publication Variety.”

Makakalaban ni Jericho ay siyam na aktor sa Performance Drama category.
Sa short film na Basurero na dinirek ni Eileen Cabiling, gumaganap si Jericho na isang mangingisda na napilitang magtapon ng mga bangkay ng taong pinatay sa dagat bilang dagdag kita para sa kanyang pamilya

Nag-world premiere ang Basurero sa 24th Busan International Film Festival in South Korea in 2019. Pinalabas naman ito sa online edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival in 2020.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with