^

Pang Movies

Ate Vi, naniniwalang niligtas ng mahal na birhen  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, naniniwalang niligtas ng mahal na birhen             

Natuwa naman si Ate Vi (Vilma Santos) nang ibaba na ang alert level ng Taal Volcano, ibig sabihin hindi na mangyayari ang kinatatakutan nilang pagsa­bog ng bulkan. Nagkatakutan na naman kasi nang magpakita ng activity ang bulkan, at agad namang itinaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang warning.

“Alam mo natural maraming explanation ang science sa hindi nangyaring pagsabog ng Taal, at lahat naman iyon ay totoo. Tama rin naman na itinaas nila agad ang alert level 3, para mabilis na mai-evacuate ang mga posibleng maapektuhan kung puputok nga ang bulkan, pero ano man ang mga paliwanag, ako naniniwalang dininig ng Diyos ang mga dasal ng mga tao sa Batangas, at maging sa ibang lugar din na nakaalam sa sitwasyon.

“Eh iyan, alam naman kahit na saan na napakalakas ng debosyon lalo na ng mga taga-Lipa sa Mahal na Birhen at sa tuwinang tatawagan ang birhen nali­ligtas talaga ang Batangas sa bulkan,” reaction ni Ate Vi na kilalang madasalin.

“Ngayon tumahimik ang Taal, kasi mahal na araw na at marami kahit na hindi taga-Batangas ang darayo sa aming mga pilgrimage churches, mayroon sa Lipa, sa Santo Tomas, sa Bauan, at sa Taal mismo kung saan naroroon ang pinakamalaking simbahan sa buong Asya. Doon nila dinarayo ang birhen ng Caysasay. Marami silang milagrong sinasabi at siguro nga kung hindi totoo iyon, hindi naman magpapabalik-balik doon sa mga tao. Maski ako naman, nag­luluwag ang kalooban ko sa tuwing madadalaw ko ang simbahan ng birhen,” sabi pa ni Ate Vi.

Ano ba ang plano niya sa Mahal na Araw?

“Hindi kami namamasyal. Usually nasa bahay lang kami. Tahimik lang at nagdarasal kami as a family. Iyon lang talagang panahon ng Mahal na Araw na naiipon kaming lahat sa bahay at nakakapagdasal nang sama-sama bilang isang pamilya,” patapos na pahayag ni Ate Vi.

Cindy, hindi bothered sa pagkalat ng ‘Iskandalo’

Nalungkot naman daw ang sexy star na si Cindy Miranda, dahil ang kanilang sexy scenes sa kanilang pelikulang Iskandalo, ay pinutol, pinalabas na totoong scandal at ikinakalat sa internet. Siguro nga hindi maiiiwasang sabihin na ang mga nagkalat noon sa social media ay may kinalaman din naman sa kanilang pelikula.

Kung hindi, bakit nakuha na nila ang clips na iyon bago pa man nagsimulang ilabas ng Vivamax kahapon. Kung sa internet streaming lang iyon pinirata, hindi maaaring mapirata iyon bago mailabas ang pelikula.

Ang masakit nga, isang serye ang Iskandalo, kaya hindi pa nailalabas ang ilang parte, napanood na ng mga mahihilig ang mga eksenang sexy.

“Hindi ako bothered. Iyong sexy scenes maikling bahagi lang iyon ng pelikula at ano naman ang makukuha nila sa mga video clips na iyon eh wala naman doon ang kuwento. Ang maganda sa serye namin ang kuwento, kaya tiyak mas manonood sila dahil gusto nilang malaman kung bakit nangyari iyong mga eksenang napanood nila,” sabi ni Cindy.

Gretchen, hindi naputakan

Bakit walang nakaputak laban kay Gretchen Barretto, nang maglitanya siya at inilabas ang baho ng isang female star na mahilig ding manira ng iba? Ibinugang lahat ni Gretchen ang baho ng pamilya at walang nakapalag ni isa, aba eh maski sa press sino nga ba ang kakalaban ngayon kay Gretchen?

Sinasabi nga nila, walang nakaalala sa kanila sa panahon ng pandemya kundi si Gretchen, na tumulong sa lahat nang wala namang inaasahang kapalit.

Maski nga hindi niya kilala eh, pinadalhan niya ng ayuda, eh sino ang kakampi sa iyo kung ganyan ang kalaban mo?

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with