^

Pang Movies

Carmina, nakakauwi araw-araw   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carmina, nakakauwi araw-araw                

Masaya ang buong cast ng GMA Network’s first suspense-serye na Widows’ Web, dahil lagi silang nagri-rate sa mga kasabay nila. Naging usap-usapan ng netizens ‘yung daring role ni Carmina Villarroel as Barbara Dee. Nagkaroon daw ba ng second thought si Carmina, na may affair kay Mike Agassi, ang sports coach ng anak niya sa story. “No,” sagot ni Carmina. Nang mabasa raw niya ang script kailangan talaga iyon sa story kaya pumayag siya.

Si Direk Jerry Sineneng ang nagsabi na si Mike ang reluctant dahil nahihiya siya kay Carmina. Si Carmina ang kumausap kay Mike para maging comfor­table ito sa kanya, at maayos nilang na-execute ang love scene.

“Masaya kami sa taas ng ra­ting,” sabi ni Carmina.

Happy rin si Carmina na sa last three weeks ng serye ay hindi na sila lock-in taping kaya nakakauwi na siya araw-araw at nakakasama ang mga anak na sina Cassy at Mavy na tapos na rin sa kani-kanilang taping. Ang naka-lock-in taping for one month ay si Zoren Legaspi for Apoy Sa Langit with Maricel Laxa, dahil out-of-town ang location nila.

Buboy, nagpakain sa supporters ng presidentiable

Na-ambush interview ng isang political vlogger si Kapuso actor Buboy Villar, habang nagpapakain nang libre sa harapan ng bahay nila. Mahusay magluto si Buboy kaya may small karinderia siya. Iyon ang isa pa niyang pinagkakaabalahan, ang pagluluto ng mga ulam, sa tulong ng kanyang pamilya, kapag wala siyang shooting or taping sa GMA Network.

Hindi ikinaila ni Buboy na supporter siya ng BBM-Sara tandem sa coming 2022 national elections. Kaya tanong sa kanya, hindi ba siya bina-bash ng supporters ng ibang kandidato? “Wala po naman akong pakialam sa kanila, basta supporter po lamang ako, alam ko ang mga pananaw nila, pero nagisnan ko na po ang family ko na Marcos loyalists, kaya tuluy-tuloy lang ang suporta namin sa BBM-Sara,” sagot ni Buboy. “Kaya ito pong ginagawa ko ngayon, para rin sa mga supporters nila. Support ko po para sa future ng ating bansa. Bahala po ang iba kung ano ang gusto nilang gawin, basta ako suporta po lamang.”

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with