^

Pang Movies

Carla, ‘di na kayang banggitin si Tom   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carla, �di na kayang banggitin si Tom                

Napakalaking blessing para kay Kapuso actress Carla Abellana na kasama na siya sa live-action adaptation ng Voltes V: Legacy. “Yun po ang nagpapasaya sa akin ngayon talaga, nakakapagpangiti sa akin nang malaki,” pahayag ni Carla sa 24 Oras. “Feeling blessed and grateful po ako sa napakalaking project na ito. I will play the role of Mary Ann Armstrong, isang scientist, at ina ng tatlo sa Voltes 5 members na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little John (Raphael Landicho). Ibang-iba po ang character ko rito, I’m quite stern, medyo strict and serious.”

Nagsimula nang mag-taping si Carla, pero ngayong Holy Week break, ay malamang mag-out of the country raw siya kasama ang kanyang pamilya, kahit ilang araw lamang.

Kaya tanong ng netizens, wala na ba talaga sina Carla at husband nitong si Tom Rodriguez? Sad daw na hindi man lang nabanggit ni Carla si Tom.

Julie Anne at Rayver, pinakilig din si Marian

Tonight, Saturday, April 9 and tomorrow, April 10, na ang Limitless Part 3: Rise virtual concert ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. GMA Network announced na sold out na ang VIP tickets. Pero may last chance pa ang fans and followers ni Julie na makakuha ng tickets, log on sa www.gmanetwork.com/synergy.

Bago pa ang concert, happy na ang fans niya dahil natupad ang wish nila na ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz muli ang kanyang special guest. Sa second part ng concert ay si Rayver na ang kasama ni Julie nang i-feature nila ang mga magagan­dang places sa Visayas. Then, si Rayver ulit ang special guest ni Julie sa live concert niya sa BGC, ang Limitless, Live! Dumating si Rayver kahit hirap maglakad dahil napilayan siya sa workout at kinilig ang audience nang akayin siya ni Julie hanggang sa gitna ng stage.

Sa video naman habang nagri-rehearse sila for the virtual concert, kinilig ang mga nakapanood at si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay nag-comment pang, “bakit ako kinikilig?” Kaya may nagtanong kay Julie, sila na raw ba ni Rayver? Sagot ni Julie: “Dapat po ay si Rayver ang tanungin ninyo.”

AiAi, nagpasalamat

Very busy ang GMA Network ngayon ng sunud-sunod ang mga bagong programa nilang ipalalabas this summer. Isa rito ang Raising Mamay, nina Comedy Queen AiAi delas Alas at StarStruck 7 Ultimate Champion Shayne Sava. Thankful si AiAi dahil sa 7th year daw niya since bumalik ng network, binigyan siya ng napakagandang project na siya muli ang bida. Nagpasalamat si AiAi sa mga kasama niya sa GMA Afternoon Prime series, sina Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Gary Estrada, Ina Feleo at sina Shayne at leading man Abdul Rahman.

Mapapanood na sila simula sa April 25, 3:25 p.m., kapalit ng Little Princess ni Jo Berry sa GMA 7.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with