^

Pang Movies

Paulo, mabilisan ang dalaw sa anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Paulo, mabilisan ang dalaw sa anak

May short video na pinost si Paulo Avelino sa IG story niya sa pagkikita nila ng anak na si Aki sa New York, very short ang pinost ng aktor dahil paalis na si Aki at nagbababay na sa kanya.

Maririnig sa video na binabanggit ni Aki ang color ng kanyang hair at makikita ang paghawi ni Paulo sa buhok ni Aki.

Ikinatuwa ng netizens (kasama ang mga Marites) ang reunion ng mag-ama na matagal ding hindi nagkita dahil nga umalis sina LJ Reyes at mga anak pa-New York after ng paghihiwalay nina LJ at Paolo Contis. Tamang-tama na nasa Amerika si Paulo dahil guest sa concert ni Ogie Alcasid at talagang isinama sa kanyang itinerary na magkita sila ni Aki.

Hindi maiwasan na pagkumparahin sina Paulo A at Paolo C, but in fairness kay Paolo, naging mabuti rin siyang ama kay Aki noong wala pa si Yen Santos sa buhay niya.

Donita, nag-upgrade ng BF

Dapat mabasa ng ex ni Donita Rose ang comment ng netizens sa kanya at sa current boyfriend ni Donita na si Felson Palad. Upgrade raw si Felson sa ex ni Donita kung face value ang pag-uusapan, mas guwapo raw si Felson.

Anyway, ayon sa Google, isang Gospel singer/songwriter si Felson at open siya sa relasyon nila ni Donita. Pinost niya ang photo nila nang dumalo sila sa LA Fashion Week at may post din siya ng photo nila na nagkukulitan na may caption na “Twilight! Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.”

Pinanood din namin ang video nito na kumakanta at ang ganda ng boses ni Feldon na friend nina Gary Valenciano, Angeli Valenciano at iba pang Filipino singers. Sa comment na nabasa namin, masaya ang friends nina Feldon at Donita that they found each other.

‘Katuwa ang sagot ni Donita na “Akala mo ikaw lang?” sa post ni Ruffa Gutierrez na “Awwww!!! Happy for you, Dee!!! Smile and laugh!!”  Happy rin si Kim Atienza kay Donita sa comment nitong “Woooow love you Dee.”

Elmo, nasa Net25 na rin

Magkakaroon pala ng show sa Net25 si Elmo Magalona at sabi ng source, sitcom ang gagawin nito.

Binanggit ang ibang makakasama ni Elmo sa sitcom, hindi lang namin matandaan. First time yatang gagawa ng sitcom ang singer-actor kaya tingnan natin kung may talent din siya sa comedy.

Wala yatang regular show sa ABS-CBN si Elmo, kaya naging madali sa kanya na tanggapin ang offer ng Net25.

Marami na ang celebrities na may show sa Net25, kabilang si Aga Muhlach, kaya mas nagiging exciting manood ngayon sa Net25.

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with