^

Pang Movies

Mclisse, nangakong panghabang-buhay ang pagsasama!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mclisse, nangakong panghabang-buhay ang pagsasama!            

Aminado ang real-life couple na sina McCoy de Leon at Ellise Joson na nang i-offer sa kanila ang Vivamax Original movie na Habangbuhay ay medyo nagdalawang-isip sila na tanggapin ito.

“Ang haba po ng process before we actually were able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic tapos may baby kaming kasama,” ani Elisse sa digital conference kahapon para sa nasabing pelikula.

Isa pa nga raw worry nila ay baka hindi na buma­gay sa kanila ang pelikula na young love ang tema since may anak na nga sila.

But eventually ay nagdesisyon daw sila na gawin ito at nagpapasalamat daw sila sa producers na sa kanila ipinagkatiwala ang movie.

At tuwang-tuwa naman daw sila sa naging resulta ng pelikula.

“Nakakatuwa po na seeing the sneek peek, pwede pa pala,” masayang sabi ni Elisse.

Maging ang direktor na si Real Florido ay bumilib sa acting na ipinakita ng McLisse at tinawag nga niyang next Bea Alonzo si Elisse dahil sa husay na ipinamalas nito sa movie.

“I would say you know, Elisse, maybe your next Bea Alonzo. I mean, that’s how good she is. Pero magugulat din kayo kay McCoy kung gaano kalaki ‘yung range na kaya niyang ibigay.

“So, itong dalawang young actors na ito, you know, mahaba pa ‘yung tatakbuhin ng career nila. I’m not over-patronizing the project, but sobrang happy ako that I got them as the main actors in Habangbuhay,” ani Direk Real.

Ito ang comeback project ng McLisse after Sakaling Maging Tayo in 2019. That time ay wala pa silang baby kaya iba raw talaga ang pakiramdam then and now.

“First time ulit namin na magka-project together and first time namin na may batang naiwan. Kaya excited na gustong umuwi rin and excited na magka-work ulit,” sabi ni McCoy.

When asked kung masasabi ba nilang pang-habang buhay na ang kanilang relasyon, matunog na “Yes” ang kanilang sagot.

“Yes, pang-habangbuhay na ito. Kasi, wala eh, kagabi nga lang, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi may trabaho ako, may masayang pamilya. Sobrang kontento ako sa buhay ko ngayon and ‘yun, sobrang happy,” sey ni McCoy.

Si Elisse naman ay nangakong nandito siya parati sa tabi ng kanyang mag-ama through ups and downs.

Natanong din ang dalawa kung may wedding plans na ba sila at ayon kay McCoy ay ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

Inayunan naman ito ni Elisse at sey niya, gusto nilang paghandaan ang bagay na ito lalo pa nga’t may anak na sila.

“Kailangang mag-ipon,” natatawang sabi ni Elisse.

Anyway, Elisse is playing the role of Bea sa Habangbuhay, isang dalaga na may sakit na  Common Variable Immune Deficiency (CVID) subalit nananatiling masayahin at may positibong pananaw.

McCoy plays the role of JR, ang houseboy ng pamilya ni Bea. Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love.

Mapapanood na ang Habangbuhay sa April 20, 2022 on Vivamax Plus and April 22, 2022 on Vivamax.

MCCOY DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with