^

Pang Movies

Carlo kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Trina   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carlo kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Trina                

Tuluyan na palang naghiwalay sina Carlo Aquino at girlfriend niyang si Trina Candaza. Inamin Carlo na nag-separate na sila ni Trina January, this year, pero hindi na siya nagbigay ng details, kung bakit sila tuluyang naghiwalay.  Basta ayon sa kanya, civil pa rin sila ni Trina sa isa’t isa at nagkakausap pa rin sila tungkol sa anak nilang si Enola Mithi.

“Nag-uusap kami every once in a while, nahihiram ko si Mithi, pero dahil pandemic pa rin ngayon, ‘yung safety muna niya, lalo na kapag may trabaho ako, naghihintay muna ako ng ilang araw bago ko siya hiramin,” banggit ni Carlo sa isang interview.

Pero sa kabila raw ng relasyon nila ngayon, siniguro ni Carlo na mamahalin niya si Mithi ng pang-habang buhay.

Team Marian, kinabahan sa FF

Excited na ang mga regular viewers ng Family Feud PH hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Bakit hindi, ay nakapag-taping na ang family ni Dingdong para maglaro, ang Dantes Girls vs DG Boys. Post nga ng The Team Marian: “Grabe kaba ko dyan! Kalokaaaa. Yung excited ako para mapanood si King sa family feud araw-araw, mas lalo akong na-excite na panoorin dahil kasama na si Queen at family nila. Can’t wait na.”

Marami nang nagtatanong kung kailan daw kaya ito  mapapanood?

Umeere ang Family Feud PH, Mondays to Fridays, 5:45PM, sa GMA-7.

Barbie nag-trending sa pag-aalaga sa inang bipolar

Nag-trending si Kapuso actress Barbie Forteza dahil sa mahusay na pagganp niya sa episode ng real life drama antho­logy na Magpakailanman na My Bipolar Mom, na gumanap si Barbie bilang si Ashley, isang arnis player na nangangarap makatungtong sa isang international competition. Pero sa kabila ng strict training for the competition, mag-isang inaalagaaan ni Ashley ang inang na-diagnose ng bipolar disorder.

Gumanap na nanay ni Barbie ang beteranang aktres na si Jackie Lou Blanco, na bumilib din sa husay ni Barbie. “Mahirap ang role na ginampanan ni Barbie dahil maraming pagkakataon na tinitiis niya ang mga pananakit ng ina niya, kaya hangang-hanga ako sa pagganap niya. At bumilib din ako sa character na ginampanan niya, si Ashley.”

Siyempre pa, isa sa bumati kay Barbie bukod sa mga fans and followers niya, ang boyfriend na si Jak Roberto na sinagot niya ng @jakroberto hi mahal kong supportive.”

Pinanood lamang ni Jak ang #MPK dahil naka-lock-in taping siya ng Bolera kasama sina Kylie Padilla at Rayver Cruz, na malapit na ring mapanood sa GMA-7.

Jeric magla-lock in na

Sayang naman kung totoong madalas mag-away ang bagong mag-sweetheart na sina Jeric Gonzales at 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Hindi makabubuti ito sa kani-kanilang career, lalo na at nagsisimula pa lamang si Rabiya, na katambal si Bong Revilla sa Alamat ng Agila.

Madalas nga bang hindi sila magkaintindihan kaya nauuwi sa cool-off, pero nagbabalikan din naman agad.

Paano kaya iyan, kapag nagsimula nang mag-lock-in taping si Jeric ng Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up na makakasama niya sina Alden Richards at Bea Alonzo, na hindi sila magkikita nang matagal-tagal?

TRINA CANDAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with