^

Pang Movies

BGYO at Bini, bibida sa PPOPCON

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasabog na collab ang handog ng sibling groups na BINI at BGYO para sa Aces at Blooms sa kanta na Up na mapapakinggan simula ngayong araw sa lahat ng digital streaming platforms.

Isinulat ng singer-songwriters Angela Ken, Sab, Lian Kyla, Trisha Denise at producer na si Jonathan Manalo, ipinaalala sa single na patuloy panghawakan at ipaglaban ng listeners ang kanilang mga pangarap.

Kuhang-kuha nga ang temang ito sa linya ng kanta na, “Di ka susukuan, ika’y ipaglalaban…”

Perfect nga sa BGYO at BINI ang kanta dahil kagaya ng iba ay nangarap din sila bago marating ang kinalalagyan nila ngayon. Sa kabila nito, sinasabi rin ng kanta na hindi pa rin tumitigil ang grupo na abutin ang iba pa nilang pangarap at pagkakaroon ng marka sa industriya ng P-pop at sa buong mundo.

Samantala bukod sa kanta, available na rin na mapapanood ng fans ang music video ng Up kung saan makikita nila ang adventures ng dalawang grupo sa Dubai.

Abangan din at suportahan sila sa nalalapit na PPOPCON sa darating na Abril 9 at 10. Makisaya kasama ang iba’t ibang P-pop fans sa unang araw ng convention kung saan may hinandang activities, games, at surprises habang sa huling araw naman ay mangyayari ang pinakaunang face-to-face concert sa Smart Araneta Coliseum kung saan kakanta ang parehas na grupo kasama ang iba’t ibang P-pop groups.

Available ang tickets sa KTX.PH at sa lahat ng Ticketnet outlets o bisitahin ang kanilang website.

SONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with