^

Pang Movies

Ate Vi, hinahasa na si Ryan Christian sa pulitika  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ate Vi, hinahasa na si Ryan Christian sa pulitika           

Grabe, how time flies, Salve A.

Parang kailan lang, saksi tayo kung saan-saan karay ni Ate Vi (Vilma Santos to her constituents in Lipa City, where she is still their congresswoman) ang bunsong si Ryan Christian, na ginu-groom na raw this early bilang City Mayor ng Lipa.

Sa next election obviously that is.

Ryan’s dad, Senator Ralph Recto, now in his last term as senator dahil naka-three terms na raw siya, is running for the position na babakantehin ni Ate Vi dahil ‘pahinga’ raw muna siya sa pulitika, as Lipa City Representative.

Balik-pelikula ka na lang, Ate Vi, either as an actress, o, why not as a director?

We will welcome you with open arms.

Luis, hindi napilit kumandidato

E, Ate Vi’s panganay, Luis o Lucky Manzano, now 40 years old, wala bang balak pasukin ang pulitika?

He can very well be one, too. As bukod kay Ate Vi, nag-venture din sa politics ang kanyang amang si Edu Manzano. Hindi nga lang naging consistent winner sa kung anumang position sa in-aspire niya.

But Edu served as Makati vice mayor.

Kung sabagay, as a TV host, no one can question sa pagiging mahusay ni Lucky.

But luckier Luis will feel daw, if he becomes a father bago mag-election (May 9).

He will sure make raw his mom proud and happier. Na inaming handa na nga silang magkaanak ng asawang si Jessy Mendiola.

Bea at Alden, may pelikula agad pagkatapos ng serye

This April na ang start ng filming (filming, ha) ng first project together nina Bea Alonzo at Alden Richards, the remake rito sa Pilipinas ng popular Korean drama, Start-Up.

Ang dami kaagad na eager mapanood ang series, as aside from Bea at Alden, kasama rin sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Jackie Lou Blanco, plus Gina Alajar.

Si Jerry Sineneng ang direktor.

And don’t look now, may kaagad next tambalan sina Bea at Alden.

Yes, a movie this time.

A local adaptation naman of the popular Japanese drama series, Pure Soul.

In any case, ang tanong lang, well, sa GMA, which is behind the project. Ba’t hindi original? Ba’t parehong adaptations of a popular Asian series?

Wala na ba tayong matatalinong writers? Nagtatanong lang naman.

Sean, nasigawan ni Direk Joel

Truly one of Vivamax busiest contract talents, ayaw itong ilagay, kumbaga, sa ulo ng baguhang aktor na si Sean de Guzman.

Right now, he is both in Island of Desire and in the 10-episode series, Iskandalo.

At parehong maipagmamalaki niya ang kanyang leading ladies, na pareho raw magaling.

In Island of Desire, of course, si Christine Bermas ang kanyang kapareha. Sa Iskandalo naman, si AJ Raval.

Parehong walang kiyeme raw ang dalawa sa sexy and even bold scenes with him.

Kaya, ‘di raw siya nahirapan both gawin ang dalawang projects.

He would love to work with them again.

Kahit pa raw kung ilang ulit siyang nasigawan ng kanilang direktor na si Joel Lamangan dahil kung may ilan siyang dialogue na nakalimutan lalo’t sa frontal love scenes nila.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with