^

Pang Movies

Barbie, mas nasaktan sa iwanan nila ni Diego?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Barbie, mas nasaktan sa iwanan nila ni Diego?!

Uy napagkamalan palang preggy si Barbie Imperial.

Kasi nga marami ang nakapansin na parang nawala si Barbie matapos silang ‘magkaiwanan’ ng ex niyang si Diego Loyzaga.

Kahit saglit lang din kasi ang kanilang naging relasyon, marami ang nagsasabing sa kanilang dalawa, mas nasaktan si Barbie kasi nga raw mas malalim siyang magmahal. Kaya raw nung naghiwalay ang dalawa, si Barbie ang parang ‘iniwan’ sa ere ang pakiramdam.

Kaya masasabi ngang nawala siya sa ere nang matagal-tagal din. Hindi siya nagpapakita sa mga gimikan na dati nilang pinupuntahan ni Diego at mga barkada at lately lang uli siyang naging visible. 

Marami ang nagsabi na panay raw ang mukmok ni babae kaya medyo nag­dagdag ng timbang, lalo na sa bandang puson. 

Ang haka-haka nga ng mga ‘mari­tes’ ay meron na raw itong dinadalang, alam n’yo na.

Nakapanayam kamakailan lang si Barbie sa isang beach resort sa Batangas at laking gulat ng lahat na bumungad siya ng naka-orange bikini na hapit sa kanyang katawan. 

Paano mo sasabihin na siya ay may dinadalang… ‘yun na nga, na siya ay nagdadalantang-tao.  

Ah baka naman may ibang ‘baby’ na si Barbie?

Why not!

Erich, jackpot sa mister

“Suwerte niya,” reply ng isang ka-viber ko tungkol sa ginanap na kasalan nina Mateo Loren­zo and Erich Gonzales the other day.

Super rich kasi raw talaga ang pamilya ng mister na ngayon ni Erich. “Their family bought Hacienda Luisita,” banggit pa ng source.

Naganap daw ang bilihan prior to pandemic.

Last February nang kumalat ang kanilang ‘marriage banns’ na nasa bulletin board ng Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang na noong March 23 nga ang petsa ng kasalan.

Ang kapatid ni Mateo na si Basti naman ang boyfriend ni Claudia Barretto.

Ang mga magulang nito ay sina Martin Ignacio Lorenzo at Maria Leah de Leon at isa diumano si Mateo sa 12 na anak ng mag-asawa.

Bukod sa agri-business, malawak ang food / restaurant business ng pamilya ng napangasawa ni Erich kung saan diumano meron silang 50 branches ng iba’t ibang resto. 

Lucky girl samantalang ang ibang artista, kahit anong gawing pagrampa walang makitang maya­man na pakakasalan sila.

BARBIE IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with