^

Pang Movies

Luis at Jessy, pakakasal ulit  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Luis at Jessy, pakakasal ulit                 

Hindi pala nakadalo sa kasal nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, yes, last year, ang mga kamag-anak ni Jessy.

Sa The Farm kasi ito in Lipa, Batangas gina­nap. Alam natin na noon at hanggang ngayon, ‘di pa ginaganap ang 2022 election, si Ate Vi, mea­ning Star For All Seasons Vilma Santos-Recto, ang congresswoman ng Lipa.

Well, promise ni Luis kay Jessy, may kasalang magaganap muli sa kanila.

Tanong lang: May Manzano-Mendiola kayang kasama sa entourage?

Gaganap bilang flower girl? At, well, ring bearer?

Na may bagong ring, rings, rather, for the groom and bride?

Angeline, aminadong hindi talaga kalakihan ang kita ng ama ng kanyang magiging baby

Lucky girl ang feeling ng singer na si Angeline Quinto, as mabait daw ang magiging ama ng kanyang panganay na isisilang in April.

Nagsasama na sila ngayon, at halos lahat daw na siya lang sana ang gagawa, inaako nito.

Sa isang casino raw ito nagtatrabaho at kahit hindi raw kalakihan ang kita, so far, so good.

May dalawa nga palang anak ang lalaki sa isang dating karelasyon. Na obviously, parehong lalaki.

Babae ang magiging panganay nila.

Malaki lang ang panghihinayang ni Angeline na wala na ang kanyang Mama Bob, her adopted mother, para ma-enjoy sana ang unang apo.

She and her partner have not yet decided what to name their first baby.

Rocco at Sanya, nagkatrabaho noon sa Haplos

Rocco Nacino is happy he gets reunited with Sanya Lopez in the current top series, First Lady, with Sanya playing the title role.

She is supposed to have married Gabby Concepcion na naging presidente ng Pilipinas.

First Lady is a sequel to First Yaya, kung saan gumanap bilang yaya ng mga anak ni Gabby si Sanya. Balo si Gabby na may mataas na puwesto sa gobyerno.

Year 2017 nang huling magkasama sa isang series sina Sanya at Rocco, their second teamup after Encantadia in 2016.

Haplos was their second and last na pagtambal.

Coleen, napuri sa Adarna

Maraming papuring natanggap si Coleen Garcia sa kanyang performance sa Adarna Gang, her comeback film of sorts after giving birth sa kanilang panganay ni Billy Crawford, si Amari Jaden.

Bagama’t flattered daw si Coleen, hindi niya tiyak kung tatanggap kaagad siya ng next assignment, lalo pa nga at balitang baka may trabahong gagawin si Billy sa Paris, France.

Meanwhile, Adarna Gang ay kasakuluyang napapanood sa Vivamax, kung saan starring din sina Diego Loyzaga, Rob Guinto at Aivy Rodriguez.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with