^

Pang Movies

Arjo, hindi napigilan ang nararamdaman kay Maine

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arjo, hindi napigilan ang nararamdaman kay Maine

“Thank you... Love you,” ang reply ni Maine Mendoza sa birthday post ng karelasyong si Arjo Atayde na “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”

Nag-celebrate ng 27th birthday si Maine the other day.

Marami ang kinilig sa post ni Arjo na malapit nang maging abala sa kampanya bilang kumakandidato siyang congressman sa District 1 ng Quezon City.

Anyway, looking forward na raw ang fans nila sa magiging kasalan nina Arjo at Maine dahil forever na ang usapan.

Elisse at Mccoy, may pautot sa endorsement?!

May duda ang iba na gimik as in charot lang para sa kanilang endorsement na diaper ang sagutan ng post ng live-in partner na sina McCoy de Leon and Elisse Joson na nag-trending kahapon.

Marami nga kasing na-bother sa social media post ni Elisse na “Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip kung paano matitigil ang paghihirap namin ni baby. Ayoko na. Ano ba ang dapat kong gawin?”

Hawak niya ang baby nila ni McCoy na katatapos lang binyagan four days ago sa photo na ‘yun nga ang caption.

Kaya sobrang nag-aalala ang netizens dahil parang the other day lang din ay may unboxing pa sila ng mga natanggap na regalo sa binyag ng daughter nilang si Felize pero biglang may problema sila.

At after three hours may sagot si McCoy sa kanyang Facebook : Aniya “Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Bumaha ng encouraging messages sa pareho nilang post at may pa-hashtag pa silang #StayStrongMcLisse.

Lahat ay ganun ang paalala sa kanila.

Pero ‘yun nga, baka raw budol ‘yun.

Well, wait natin sa vlog nila.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with