^

Pang Movies

Mangga ang pinaglilihihan? Jessy, pinaghihinalaang buntis na!  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mangga ang pinaglilihihan? Jessy, pinaghihinalaang buntis na!             

Dahil sa post ni Luis Manzano, pinaghihinalaan tuloy ng netizens na buntis ang misis niyang si Jessy Mendiola.

Nag-post sa Instagram si Lucky ng 9 na larawan ng hilaw na manga na may iba’t ibang sawsawan. May bagoong at may patis with sili pa.

Caption ni Luis, “Ay sh*tttttttttt.”

Dinumog ng comments ang simpleng post na ‘yun ni Luis. Pati celebrities ay nag-react dahil sobrang nakapaglalaway nga naman ang mga larawan.

Reaksyon ni Isabelle Daza, “I hate you.”

Komento naman ng kaibigan niyang si Billy Crawford, “Damn bro drooling ang cute mo… ay sorry, Kala ko dm  @luckymanzano.”

Sabi naman ng isang netizen, “bwisit!!!!! Naglilihi pa naman ako.”

Pero karamihan sa mga followers niya ay kinantiyawan siya na baka magiging tatay na siya at naglilihi na si Jessy.

“Congratulations @luckymanzano magiging tatay ka na ??!!” ang tanong ng isa pang IG user.

“Congratulations Luis and jessy!” pagbati naman ng isa pa.

“Buntissss ka ba @luckymanzano??? Kaloka ka.. nangangasim tuloy ako,” komento ng isa pa.

“Naglilihi naba c esmi?” tanong na naman ng isa pang follower.

Anyway, kung naglilihi na nga si Jessy, for sure ang unang-unang matutuwa ay ang ina ni Luis na si Vilma Santos dahil matagal nang sabik na sabik magkaapo si ate Vi.

Nakipag-bonding sa kapamilya...

Nakakainggit din ang saya nina Bea Alonzo at mga kaibigang sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin at Dimples Romana sa latest IG post ng una.

Nag-post si Bea ng larawan na magkakasama sila sa isang reunion last Sunday.  Sa caption ay pinasalamatan pa ni Bea sina Angel at mister na si Neil Arce for hosting the said reunion.

“Sunday fun day!! Reunion with my favorite girls!  Grabe, namiss ko kayo sobra!! Thanks, Gel and Neil for hosting!” caption ni Bea.

 Needless to say, pinusuan ng mga netizens ang naturang post at halos iisang komento nila, “ang gaganda!”

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with