^

Pang Movies

Piolo, ninanamnam ang kirot!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinahagi ni Piolo Pascual ang matinding sakit na nadarama ng iniwan ng minamahal sa bago niyang awitin mula sa Star Music, ang Tawag Mo na may solo at duet version na inilabas nang magkasabay. 

Ang tinaguriang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan ang kasama ni Piolo sa duet version ng awitin.

Inilunsad tatlong araw bago mag-Valentine’s, kwento ng Tawag Mo ang pinagdaraanan ng isang nabigo sa pag-ibig, mula sa paghihintay na may ‘tatawag’ at babalik pang muli, pagnamnam ng kirot, at ang pagtanggap na wala na talagang aasahang pagmamahal.

 Sinundan ng awitin ang makabagbag damdaming Iiyak sa Ulan na inilabas ni Piolo noong 2020. Si Ralph Castro ang sumulat at naglapat ng musika sa Tawag Mo. Si Theo Martel naman ang nag-areglo ng kanta na iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Noong Enero, naganap na ang pinakahihintay na pagbabalik ni Piolo sa longest-running musical variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.

Bibida rin siya sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na Flower of Evil kasama ang bagong Kapamilya star na si Lovi Poe.

Jessy, tinatapatan daw si Ivana!

May last pasabog pictorial si Jessy Mendiola bago raw siya mag-30 at mabuntis.

In all fairness, revealing nga naman.

“This is it! My last pasabog pictorial before I turn 30 and before I get preggy! Thank you so much to the whole team for helping me pull this off! Laban lang! Visit my channel and watch the BTS video!,” kasabay ng pag-promote ng kanyang YT channel.

Ang daming nagkagusto sa nasabing pictorial pero may ilan ding hindi favor.

May asawa na raw siya at nasa pulitika ang in laws niyang sina (step dad-in law) Sen. Ralph Recto and Rep. Vilma Santos.

Bakit daw kailangang mag-ala Ivana Alawi pictorial pa siya.

Pero mas lamang naman ang mga pumupuri dahil ang ganda nga naman at sexy talaga ng misis ni Luis Manzano. Keri niyang magpa-sexy.

PIOLO PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with