^

Pang Movies

Phillip, NR sa kalagayan ni kris  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Marami ang nagtatanong kung ano raw ba ang reaction ni Phillip Salvador sa sari-saring balitang lumalabas sa iba’t ibang platforms tungkol sa physical condition ni Kris Aquino.

It’s common knowledge na naging sila at nagbunga pa ang kanilang relasyon, si Joshua, now in his mid-20s.

Malaki ang pagkakahawig ng mag-ama.

Kung wala nga lang napapabalitang, physically, o mentally, may defect si Joshua, puwede nitong sundan ang yapak ng ama.

Mahal na mahal both ni Kris ang dalawa niyang anak. Bukod kay Joshua, nandiyan din ang magti-teenager nang si Bimby (father: James Yap).

Diego, hindi na kayang banggitin si Barbie?!

Diego Loyzaga admits it doesn’t take much, para ituring niya ang sariling kuntento siya sa nagaganap sa kanyang buhay.

Lalo’t ngayong may kasalukuyang pandemya na mahirap talaga ang buhay. All he needs is to just look around, and you’ll appreciate if there is food on the table. At walang nagkakasakit sa ‘yong pamilya.

Lalo’t sa kanyang mother daw (referring to occasional actress Teresa Loyzaga).

Hindi man banggitin ni Diego, obvious na far from being magkaayos na sila ng kanyang amang si Cesar Montano, yes, the aktor na hindi muna ngayon masyadong aktibo ang career.

Ayaw banggitin ni Diego kung happy sila sa kanilang relasyon ni Barbie Imperial dahil napapabalitang diumano’y hiwalay na sila.

Aljur, naengganyo nina Jericho at Kristine

Ang gandang pakinggan, Salve A., magkuwento ng isang sikat na aktor o aktres tungkol sa kung paano nagsimula ang desire niya na makita niya ang sariling umaarte sa puting tabing.

Itong si Aljur Abrenica, halimbawa, who is currently in the news, dahil sa kasalukuyang nagaganap na pagsasama nila ng asawang si Kylie Padilla, ay 10 or 11 years old nang mapanood niya ang Forevermore starring Jericho Rosales at Kristine Hermosa, sa isang sinehan sa Batangas kasama ang kanyang ina, na may reaction sa bawat eksena sa pelikula.

Kaya, sabi niya raw sa nanay niya, hayaan niyo, mag-aartista rin ako. Na tinupad niya, we all know.

Iyon nga lang, nag-asawa siya kaagad. Pinakasalan niya si Kylie Padilla, anak ni Robin Padilla.

Not long after, nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Alas at Axl.

Co-parenting sila sa kanilang anak ngayon matapos silang maghiwalay.

Zanjoe, nahihiya na may crush sa kanya si Sue

While Zanjoe Marudo considers it awesome, na hanggang ngayon sa mga interview with her, binabanggit pa rin ni Sue Ramirez na he remains to date his biggest crush, hindi niya mapigilang ma-embarrass, kumbaga, lalo’t kapag binanggit ni Sue na 13 years old lang siya noong unang ma-attract kay Zanjoe. “Feel ko,” ani Zanjoe, “ang tanda ko na. Lalo’t if binanggit din ni Sue na magtu-twenty six na siya.”

But the two of them are bagay sa kanilang role bilang magkalaguyo sa kasalukuyang nagte-trend din na The Broken Marriage Vow.

He is supposed to be married sa papel na ginagam­panan ni Jodi Sta. Maria.

Ang galing daw both ng dalawa sa kanilang performance. Kaya bow (yes, spelled with a B) sa dalawa bilang actresses.

He vowed as well to team up in a movie with the two again.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with