^

Pang Movies

Shaina, hindi naging mild ang laban sa covid!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Covid negative na si Shaina Magdayao at ready nang magbalik-taping sa FPJ’S Ang Probinsyano.

Inanunsyo ito ng aktres sa kanyang Instagram page at nagpasalamat na naka-survive siya dahil hindi raw mild symptoms ang kanyang naranasan.

“Positively #negative Finally!

“Now that wasn’t “mild” At all I think I experienced all the symptoms haha from fever to sore throat to rashes to cough and colds to headache! 

“But hey, I survived!!!!!  So grateful for the much needed and ever powerful prayers, Instagram World.

“I am now #Covid19 negative!

Well, still a bit weak, healing day after day ….but defintely a lot better than the past week. #FPJsAngProbinsyano bubble, ready for you,” pahayag ni Shaina.

Matatandang inanunsyo rin ni Shaina last week na nagpositibo siya sa COVID-19 isang araw matapos ang kanyang booster shot.

Francine, nagpagalaw ng pisngi

Humingi ng tulong si Francine Diaz sa klinika ni Dra. Vicky Belo tungkol sa kanyang cheeks na aniya ay malalaki raw.

Sa video na in-upload ng Belo Medical Group sa YouTube, makikita ang pagpasyal sa clinic ni Francine at ang kanyang pagpapakonsulta.

“Since kasi magi-start na po ako ulit ng lock-in, naiilang ako and nako-conscious ako sa face ko pag naka-tight shot kami. Feeling ko, ang taba niya na malaki, tapos pag napapagod na, medyo. . .kailangan ng (treatment),” pagtatapat ni Francine.

May remedyo naman ang clinic sa problema ng Kapamilya young actress at pwede na raw talagang mag-start si Francine ng treatment at her age. Pinuri rin ng doktora na nag-check sa kanya ang makinis nitong face and of course, ang prettiness ng batamg aktres.

Ipinakita sa video ang treatment na ginawa kay Francine at sobrang na-satisfy naman ang young actress pagkatapos sa nakitang resulta.

“Nag-glow ‘yung skin ko, ‘yung face ko and mas na-feel ko nang nag-tighten siya,” sey ni Francine.

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with