^

Pang Movies

Terrence, biglaan ang pagbagsak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Terrence, biglaan ang pagbagsak

Talagang walang permanente sa buhay, Salve. Hindi ko ma-imagine na ang dating ang popular at sikat na si Terrence Romeo magkakaroon ng problema sa pera at magiging dahilan para mademanda ang asawang si Pia Romeo. Iyon kung minsan akala mo hindi ka na maalis sa puwesto mo dahil kailangan ka, pero biglang mawawala sa iyo.

Totoo ang kasabihan, nothing and no one is indisposable. Lahat puwedeng palitan, lahat puwedeng alisin. Pero pinakakawawa ‘yung dating nasa itaas ka at biglang bagsak, kasi nga ang sakit tanggapin na mawawala sa iyo ang lahat. Kaya dapat anuman ang nasa iyo, ingatan mo, mahalin mo. Kundi, nganga ka ‘pag nawala.

Ok lang mawala ang popularidad mo, basta sana lang hindi mawala ang lahat ng pera mo. Kasi ‘pag may pera ka, kahit hindi ka na popular, maganda pa rin ang magiging buhay mo.

Mas maliliit na artista, sincere ang pagtulong sa mga na-Odette

Nakakatuwa ang mga balita na ang daming mga artista ang kahit konti lang talagang nagpapadala ng tulong sa mga affected ng bagyong Odette. Iyon bang gesture nila na kahit maliit lang ang kita nila, at hindi sila sinlaki ng malalaking stars, nandun ang pagdamay nila.

At kahit pa nga ngayon na medyo hirap din ang mga taga-showbiz, hayun nagpadala pa rin sila ng tulong. Kitang-kita mo na mula sa puso ang tulong nila, hindi pakitang tao, sincere, kaya kahanga-hanga.

‘Yung small stars na konti lang ang puwedeng itulong , pero tumutulong pa rin.

 Big or small malaki ang nagagawa para sa taong gipit, kaya salamat sa buong puso ninyong pagbibigay.

TERRENCE ROMEO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with