^

Pang Movies

Jessy, naghihintay ng ‘God’s perfect time’ sa pagbubuntis!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jessy, naghihintay ng âGodâs perfect timeâ sa pagbubuntis!

In God’s perfect time ang sagot ni Jessy Mendiola sa mga ayaw siyang tigilan kung kailan ba talaga siya magbubuntis sa first baby ng mister niyang si Luis Manzano.

Todo exercise kasi ngayon si Jessy. At nakita naman ang resulta.

Ganda ng abs niya at talagang toned ang katawan.

Kaya naman iniisyuhan siya ng mga Marites na paano raw siya magkakaanak kung ganun ang ginagawa niya.

“Porket may abs bawal mabuntis?,” reply niya sa isa niyang follower matapos itong mag-comment ng “Nag papà abs wala Balak mag buntis?”

Sa isang Instagram post kasi rin ni Jessy kasi para snippet ng kanyang vlog sinabi niya “Started the year right during our stay in Baguio. Napakain ng madami kaya dapat mag-exercise. watch the whole program sa aking newest vlog episode!”

Naging judgmental na ang ibang ‘Marites.’

Sa Baguio nag-New Year ang mag-asawa at malay n’yo naman baka doon sila makabuo. “It’s really important to find time to breathe and slow down once in a while. I’m lucky because I was able to do just that during the holidays,” sabi pa ni Jessy sa kanyang recent post.

Janella, ang laki ng ipinayat sa lipo

Grabe pala ang nawalang fats sa katawan ni Janella Salvador.

Sa pinakitang video ni Dra. Vicki Belo sa prosesong pinagdaanan niya, hindi madali ha.

Pero at least, curvy na naman uli siya.

Pero true kaya na hindi masyadong happy si Direk Chito Roño sa acting niya bilang Valentina sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pinagbibidahan ni Jane de Leon?

Ang Darna pa naman ang comeback serye ni Janella na huling napanood sa telebisyon sa programang The Killer Bride noong 2019.

Kaya baka siguro naninibago lang din si Janella dahil bukod sa comeback niya ito, inaasahan ang matin­ding bakbakan sa pagitan nila ni Darna para sa laban ng kabutihan at kasamaan.

Morisette at dyowa, naospital!

Parang tama nga ang sinasabi ng ibang health expert na lahat ay mae-expose sa Omicron variant.

Kaya ang pinaka-the best, palakasin na lang ang katawan para may panlaban sa virus.   

Kahapon ay 37K something na naman ang new cases.

Anyway, kahapon din ay dumagdag sa listahan ng showbiz families na infected ng virus sina Yasmien Kurdi and Rey Soldevilla Jr at daughter nila.

Sa kanyang post ay tapos na sila sa home quarantine. “Finally #DAY7”? Last day of #HomeQuarantine na namin ni Pangga… pero si #AyeshaZara may additional days to go pa then malaya na din siya”? #RoadToNegative na ang #FamiliaSolde­villa na #TeamPositive noon hehe,” aniya.

Ganundin ang singer na si Morisette at ang boyfriend niyang si Dave Lamar.

Na-confine si Morisette pero dahil sa ibang sakit. Aniya sa kanyang post : “2022 this is what’s up. for the past week, I was confined in the hospital since Sunday evening. both @davejlamar and I tested positive for Covid with mild flu-like symptoms, but I was admitted due to an issue in my colon called Diverticulitis. I had to take several IV medications which unfortunately triggered my super bad headaches then lead to vomiting. I couldn’t even eat ‘cause I’d just throw it all up. this weekend, I was finally discharged with lots of meds to take with and take note but grateful that I’m allowed to continue my quarantine and healing at home. thank God for DJ who was discharged earlier but stayed in the hospital room with me to keep me company, we would just play Pinoy Henyo (‘cause it somewhat didn’t require me using a phone that also triggered my migraines) to pass the time. I’m still on the road to recovery but feeling a whole lot better now.”

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with