^

Pang Movies

Dating asawa ni Jose, namatay!

Gorgy Rula - Pang-masa
Dating asawa ni Jose, namatay!

MANILA, Philippines — Nagulat ang ilang Dabarkads ng Eat Bulaga nang pumutok ang balitang pumanaw na ang asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn Manalo sa edad na 54.

Matindi rin ang pinagdaanan ng mag-asawa nang masangkot sa mga kaso si Jose, at umabot sa paghihiwalay nilang mag-asawa.

Tinanong ko nga si Pauleen Luna, pero wala pala siyang kaalam-alam at gulat na gulat siya nang ibinalita ko ito sa kanya.

Wala pang sagot sa akin ang ilang taong malapit kay Jose nang tinanong ko kung puwedeng mahingan ng pahayag kaugnay sa nangyari.

Naintindihan naman namin kung ayaw nang magsalita ni Jose.

Sinubukan ko ring hingan ng pahayag si Benj Manalo sa kanyang asawang si Lovely Abella, pero hindi na ito sumagot.

Nag-post na si Benj sa kanyang IG account kahapon ang schedule ng cremation ng kanilang ina.

Aniya; “Our beloved Anna Lyn Santos Manalo, July 9, 1967-January 14, 2022. Cremation is at 11am today, January 16, 2022. Memorial service at 7pm via Zoom.

“For our family and friends who would like to join, please message any of us in the family to provide you with the link.

“Your prayers are very much appreciated during this difficult time.”

Bukod kay Benj Manalo, nasa showbiz din ang isa pang anak nina Jose at Anna Lyn na si Nicco Manalo.

Black lang ang post ni Nicco na nasa caption ang date ang pagpanaw ng kanilang ina. Pero in-announce naman niya sa kanyang Instagram Stories.

Binanggit niya roon ang tatlo pa nilang kapatid na sina Myki, Ai, at Colyn na iniwan ng kanilang ina.

Nakikiramay po kami.

Ruru at Bianca, gustong ipantapat sa LizQuen

Samu’t sari ang mga opinyon ang nakakarating sa amin sa paglunsad ng Sparkle.

Lalo na’t ipinakilala ang walong stars nila na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at Khalil Ramos.

Hindi ko lang gaanong nataypan ang pagka-short hair ni Bianca, pero ang ganda-ganda pa rin niya, at lalong sume-sexy.

Kaya mas bagay raw sana kung talagang sila na ni Ruru Madrid ang pagtambalin.

Pero may kanya-kanya na silang shows.

Katatapos lang ni Bianca ng series sa HBO na Halfworlds at siya ang susunod na bida sa Mano Po Legacy.

Si Ruru naman ay babalik na sa taping ng Lolong at si Shaira Diaz naman ang makaka-partner niya rito. Pero marami ang nagsasabi sa aming mas bagay kung sina Ruru at Bianca na ang pagtambalin at aminin na talaga kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pareho silang magaling at promising naman ang kanilang career. Kaya puwedeng-puwede silang itapat sa LizQuen loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Puwede naman mangyari ‘yun, dahil sabi nga ni Ruru, patuloy lang sa pag-iisip ng bago, pag-aaral dahil marami pang puwedeng matutunan sa pinasok na showbiz career. Aniya; “Never stop learning dito sa industriya natin. Maraming papasok na mas magaling sa ‘yo, mas pogi mas maganda.

“Pero as long as nandun ‘yung pagmamahal mo sa craft mo. As long as you’re very passionate about your craft, hindi mawawala ‘yung spark.

“As long as nakapagbigay ka ng inspirasyon sa mga manonood, sa mga taong nagmamahal sa ‘yo, sa mga taong sumusuporta sa ‘yo, hindi ka mawawala diyan.”

Thankful naman si Bianca sa opportunities na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center, at hopeful siyang marami pang puwedeng gawin sa kanya ang Sparkle.  

JOSE MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with