_pang-masa
^

Pang Movies

Mga sinehan, nganga na naman!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Dahil patuloy na pagsipa ng number of new positive cases na kahapon ay umabot na sa 37,207, na diumano’y hindi pa kasama ang mga nag-positive sa antigen sa kani-kanilang mga bahay, wala na namang nanonood sa mga sinehan.

Although allowed sa Alert Level 3 na magbukas ang mga cinema, pero sino namang manonood sa panahong ito?

Last December lang nagbukas uli ang ibang mga sinehan in time for MMFF 2021 na sadly ay malungkot din ang kapalaran.

Pero ito biglang nagkaroon ng surge kaya stay foot na naman ang mga tao sa bahay.

Anak ni Jodi, nagagalit sa mga role niya sa teleserye

Affected pala ang anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy ng mga teleserye niya.

Si Thirdy ay anak ng actress sa ex niyang si Pampi Lacson.

Ayaw na ayaw raw kasi nito sa mga eksena niyang ginagawa. “Lagi ko siyang tinatanong kung bakit ayaw niyang manood ng teleserye ko. Ayaw niya raw akong nakikitang umiiyak. Ayaw niya akong nakikitang nagagalit o inaapi. Nagagalit daw siya sa kaeksena ko.

“Kaya kailangan mong i-explain na kaibigan ko ang kaeksena ko. Pero siyempre protective eh,” chika ni Jodi kahapon sa media conference ng ABS-CBN drama series na The Broken Marriage Vow, ang Philippine adaptation ng Doctor Foster na mapapanood na simula Enero 24.

Though kahit daw siya ay laging kinakabahan at may awkwardness ‘pag pinapanood ang sarili sa TV.

Anyway, maninindigan si Jodi para sa tama pagkatapos siyang lokohin ng asawa niya sa The Broken Marriage Vow.

Mahaba ang tatahakin ng karakter ni Jodi na si Dra. Jill Ilustre mula sa isang pagiging mapagmahal na asawa at ina hanggang sa mapuno ito ng paghihiganti at galit.

“Si Dr. Jill Ilustre ay isang babae na binibigyang halaga ang kanyang pamilya. Mapagmahal na ina, maasikasong asawa, compassionate na tao in the sense na she really cares for the patients na meron siya. ‘Yung pagkatao niya na naka-anchor sa love, which is what makes her character relatable,” sabi ni Jodi.

Ang pagiging maprinsipyo ang isa sa mga pinakamahalagang katangian ni Jill, kaya’t kapag may nakikita siyang mali ay pinipilit niya itong itama.

Pero hindi perpekto ang buhay ni Jill. Masisira ang lahat sa oras na malaman niyang pinagtataksilan siya ng mister na si David (Zanjoe Marudo) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Rami­rez). Mapapagitna naman sa away nilang mag-asawa ang nag-iisa nilang anak ni David na si Gio (Zaijian Jaranilla)

Dahil sa prinsipyong pinanghahawakan ni Jill, pilit niyang ibabalik ang dignidad na nawala sa kanya at gagawin ang lahat para makapaghiganti sa mga taong sumira ng buhay niya.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with