_pang-masa
^

Pang Movies

Terrence, imposibleng walang alam sa mga utang ng asawa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Terrence, imposibleng walang alam sa mga utang ng asawa

Isang napakahirap na problema sa lahat, Salve, ‘yung pera. Kaya na-imagine ko kung gaano kabigat siguro ang ulo ni Pia Romeo, asawa ni Terrence habang araw-araw siyang hinahabol ng mga taong inutangan niya ng pera.

Nakakaawa dahil isang babae na bata pa at maganda pero baon sa utang si Pia Romeo. Ewan ko kung totoo na dahil sa naging ‘bisyo’ raw sa sugal ng asawang si Terrence kaya nabaon sa utang si Pia.

Imposible na hindi ito alam ni Terrence, na may mga problema sa pera ang asawa. Meron silang isang anak na napakabata pa, at kawawa naman na heto at ang laking problema ng sinusuong ng kanyang ina.

Isang bagay kasi na dapat lagi mong nasa isip, huwag dapat lalagpas sa kinikita mo ang ginagasta mo. Huwag mong pasukin ang bisyo na magiging problema mo later on. At kung hindi kaya, huwag pilitin. Iyang pera kasi, ‘pag hinahabol mo mas lalong lumalayo sa iyo, lalo kang tutuksuhin. Pinakamahirap na tuwing gigising ka sa umaga hayan na ang mga naniningil sa iyo, naghahanap ng bayad. Kaloka na isa kang babae na bata at maganda, kailangang magkaroon ng ganitong problema.

Parang hindi naman pagmamahal na ng isang asawa na humarap sa ganitong problema ng hindi tinutulungan ng kanyang partner. Dapat sa ganitong pagkakataon, magkasama kayong lumutas ng problema. Prayers na sana maayos ito ni Pia Romeo, para sa kanyang anak, at dapat tulungan siya ni Terrence.

San Juan, sanay na may estrada

Naku ha nakalimutan ko tuloy na tumatakbong Senador si Jinggoy Estrada. Buong akala ko tuluy-tuloy siya sa Senado, hah hah. Nalimutan ko na after six years nga pala ‘pag nasa top 12 ka, run ka uli.

Lagi naman kasing nandiyan lang si Jinggoy at tumutulong kaya hindi mo alam kung tapos na ang termino o tuloy pa rin. Pero ewan ko ba, kasi nakita ko kung gaano kahusay na mayor si Jinggoy Estrada noon sa San Juan kaya parang gusto ko pa rin na siya sana ang mayor nito. Parang hindi ko ma-visualize ang San Juan ng walang Estrada.

Dahil nga sa naging maganda rin ang patakbo rito ni Joseph Estrada noon. Huwag kalimutan, Jinggoy for senator.

JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with