_pang-masa
^

Pang Movies

Nag-alala kay Kris...

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nag-alala kay Kris...

Labis ang pag-aalala ni Robin Padilla sa kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino ngayon.

Sa kanyang Facebook account kahapon, ipinahayag ni Binoe ang concern kay Kris kasabay ng pakiusap sa mga kababayan na tigilan na ang pambabatikos sa kanyang mahal na kaibigan.

“Bismillah.  Mga mahal kong kababayan. Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan. In shaa Allah,” ang pahayag ni Binoe.

Um-agree naman ang netizens kay Binoe pero hindi pa rin nagpaawat ang bashers at binanatan pa rin si Kris.

In fairness to Robin, bakas sa mensahe ng aktor ang genuine concern for Kris and obvious din na apektado siya sa lagay ng kalusugan ng kanyang kaibigan.

Drew at Iya, positibo na ang lahat ng mga anak

Nakakalungkot na COVID-19 positive na rin ang lahat ng anak nina Iya Villania and Drew Arellano base sa latest update ng Kapuso actress/tv host kahapon.

Sa post ni Iya last Thursday ay ang pangalawang anak na si Leon pa lang ang infected but unfortunately, kinabukasan ay nagkaroon na rin ng symptoms ang dalawa pa nilang anak na sina Primo and Alana.

Awang-awa si Iya sa nakikitang paghihirap ng mga anak.

“And here she is  my poor baby girl who’s probably having the hardest time dealing with symptoms  it’s unli cuddles for this one right now.

“Primo had a meltdown last night too… Kuya seemed like he had it all together until I noticed he wasn’t looking okay. I cuddled up next to him and then he started to cry poor boy 

“Leon on the other hand, by night, he was fine! like nothing happened. Not sure if that’s really it for him but so far since last night, he hasn’t had a fever and his demeanor is back to what it was before he got sick! 

“Had to give both Primo and Alana Calpol last night. Primo slept fine and woke up nalang to take another dose when he started to get warm again. So far his symptoms have been sneezing (which was only yesterday morning) and fever.

“Alana, on the other hand, has been warm and uneasy since last night and wants nothing but cuddles.

“Symptoms the kids have been experiencing so far: sneezing (Primo), vomiting (Leon and Primo - I found this happened during intake of meds), and fever (all 3 kids),” pahayag ni Iya.

Hopefully ay maging okay na raw ang pakiramdam ng mga bata tomorrow.

At dahil nga buong pamilya ay tinamaan na ng virus, nagsasama-sama na raw sila kaya naaalagaan na niya ang mga bata.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with