^

Pang Movies

‘Not your uterus’ – Heart

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
âNot your uterusâ â Heart

Sa resulta ng survey ng senatoriables, mananalo si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, balik-senado siya at pagkatapos ng May 9, 2022 elections, misis na uli ng senador si Heart Evangelista. Matutuwa ang fans ni Heart dito, pero hindi ang kanyang bashers na hindi napapagod sa kaba-bash kay Heart.

Example ng bagong pamba-bash kay Heart ay ang comment na hindi niya maintindihan ang fashion ni Heart na may suot na cardigan sa ibabaw ng mala-scarf niyang tops. Sagot ni Heart, “I didn’t expect you to understand it dear.”

Sagot naman ni Heart sa nag-comment na tatakbo siyang hubad sa buong barangay ‘pag hindi scripted ang Instagram posts niya, “Run and never come back darling. Life is good plus the coffee I’m drinking is awesome. Sorry you can’t accept that I have a happy life but then again not my problem.”

Ayun, sunog ang dalawang bashers ni Heart sa sagot niya na ikinatuwa ng mga nakabasa. Nasabihan tuloy si basher na inggit, bitter at may nagpayong piliin niya ang maging masaya at ‘wag maging stupid Marites.

Sa TikTok naman, may sinagot si Heart na nagtanong ng “Ba’t ‘di kayo magkaanak?” Sagot ni Heart, “Ayoko eh. Didn’t anyone teach you manners? I mean, you know what, if I am not sad about it why are you even?”

Dagdag pa ni Heart, “Not your uterus” and “Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own lives?”

Speaking of Heart, may mga curious kung ano ang take ni Chiz sa kissing scene ni Heart kay Richard Yap at Paolo Contis sa GMA 7 rom-com series na I Left My Heart in Sorsogon? 

Pami-pamilya sa showbiz, tinamaan ng virus

Kapansin-pansin na pami-pamilya na ang nagkaka-COVID at kabilang dito sina Drew Arellano at Iya Villania at dalawa nilang anak. Sina Gary Ejercito at Bernadette Allyson at lahat ng kanilang mga anak. Ang asawa at anak ni Pia Guanio at pati si Chariz Solomon at ang kanyang anak at asawa.

Kabilang na rin dito ang buong pamilya ni Melissa Mendez na nag-post ng “Arroz Caldo for lunch. My family is bombarded by #Covid and I’m the only one who’s negative for Covid so far, My PA Bambie is showing symptoms of #Covid too. Please pray for healing in our household and may God’s hedge of protection be upon me as I deal with this virus in my family as I take of them all who have the #virus.”

Marami ang nagpe-pray for Melissa’s family to get well at marami ring suhestiyon at gamot para sa paggaling ng kanyang pamilya.

Chef Jose, ramdam ang lungkot sa hiwalayan nila ni Maria

Dahil siguro break na si Chef Jose Sarasola at Maria Ozawa, mas dumami ang nagko-comment na girls sa Instagram nito na pogi siya, yummy, at may nagbiro pa ng “mine na kita chef” na sayang at hindi sinagot ni Jose.

Sa isang online interview, nabanggit ni Jose na ang long distance relationship nila dahil sa CO­VID-19 ang naging cause ng kanilang breakup na mahirap para sa kanila. Umuwi kasi sa Japan si Maria at naiwan sa Pilipinas si Jose.

Last December sila nag-usap ni Maria at nagkasundo na maghiwalay at nilinaw ni Jose na wala silang pinag-awayan at lalong walang third party sa breakup nila. Sinubukan daw nila na magtawagan everyday para lang manatili ang kanilang relasyon, pero wala ring nangyari.

Na-imagine namin ang lungkot nina Jose nang sabihing, “We both agreed na it’s the best for us now that we both go our separate ways.”

Anyway, tuloy ang buhay at career ni Jose rito sa bansa at nagsimula na ang Season 3 ng 10-minute cooking show na Eat Well, Live Well. Stay Well  nila ni Iya Villania sa GMA 7.

Kasama si Jose sa artist ng Sparkle GMA Artist Center at sana mabigyan pa siya ng more acting project dahil nakakaarte siya at napatunayan ito sa The Lost Recipe.

Prima Donnas, bawal ligawan

Bawal ang ligawan sa young cast ng Prima Donnas pero, hindi napigilan ni direk Gina Alajar at ng production na magkagusto si Allen Ansay kay Sofia Pablo. Sa mediacon nga nila, inamin nitong crush niya ang ka-love team na si Sofia, pero alam niyang hindi pa puwedeng ligawan.

Ganu’n din ang kaso ni Will Ashley na sa good words na sinabi sa ka-love team na si Jillian Ward, obvious na type nito si Jillian. Kaso, bawal pa ring ligawan si Jillian, kaya hanggang love team na muna sila.

Puro papuri rin sa ka-love team na si Althea Ablan ang narinig kay Bruce Roeland, kaso hindi pa rin puwedeng ligawan si Althea, kaya magtatrabaho muna sila.

Sa Monday, Jan. 17, 2:30 p.m., na ang simula ng Book 2 ng Prima Donnas at sa Jan. 24, magpapatuloy ang story ng mga karakter nito.

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user