^

Pang Movies

Julie Anne, naudlot ang installment ng musical show

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Julie Anne, naudlot ang installment ng musical show

Dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, nilipat ng date ang musical show ni Julie Anne San Jose na Limitless Musical Trilogy: Part 3 Rise.

Dapat ay sa Feb. 19 and 20 ang pagpalabas nito pero nilipat na ng April 9 and 10. Ang mga nakabili ng tickets for February ay tatanggapin sa April.

Mas importante raw na ang priority ay ang kaligtasan ng maraming taong nagtatrabaho sa naturang project. “Our highest priority remains the safety of our artists, staff and everyone working on this project.

“All tickets sold previously will be honored on the new dates.

“We thank everyone for their continued support and understanding. We pray for everyone’s safety and good health,” ayon sa kanilang annoucement.

Nagsimula ang Limitless musical trilogy noong September 2021 sa Mindanao. Ang second part ay noong November 2021 sa Siquijor.

Ariella, nag-iingat na madulas sa lovelife

Kaya raw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas.

Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag sobrang kintab daw ng sahig, puwede kang madulas na hindi mo inaasahan.

Pero tuwing babagsak daw si Ariella sa kanyang lovelife, hindi raw siya nagpapatalo at agad siyang bumabangon. “’Yung unang dulas talaga ‘yon ‘yung magandang paraan. In love ka kasi, eh. Minsan ‘yung ibang dulas natutuluyan na... talagang higa na. Kailangang bumangon,” diin pa niya.

Huling napanood si Ariella sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stories From The Heart: The End of Us kung saan napuri ang pagganap niya bilang other woman.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user